BREAKING NEWS

Loisa Andalio, Ronnie Alonte nagpa-gender reveal, baby girl ang unang anak

Loisa Andalio, Ronnie Alonte nagpa-gender reveal, baby girl ang unang anak
Loisa Andalio at Ronnie Alonte

YES! Baby girl ang unang magiging anak ng celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Nagkaroon ng gender reveal party ang mag-asawa kahapon, February 8, na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Nag-post sina Ronnie at Loisa sa social media ng nga litrato at video na kuha sa naganap na selebrasyon para sa kanilang magiging panganay.

Base sa isang video clip, bumandera ang pink roses sa venue na nangangahulugang babae nga ang una nilang magiging baby na papangalanan nila ng Runi Lior. 

"Yun basta si (Lord) na ang bahala. Basta healthy kayong dalawa happy na ako roon," ang sey ni Ronnie kay Loisa after ng gender reveal. 

Present sa intimate celebration ang mga kaibigang celebrities nina Ronnie at Loisa sina Carlo Aquino, Charlie Dizon, at Michelle Gumabao.

Matatandaang last Christmas Day nang ibandera ng Kapamilya celebrity couple na magiging mommy at daddy na sila. 

In-announce nila ito ilang linggo matapos ang kanilang kasal noong November 27, 2025.

The post Loisa Andalio, Ronnie Alonte nagpa-gender reveal, baby girl ang unang anak appeared first on Bandera.


Loisa Andalio, Ronnie Alonte nagpa-gender reveal, baby girl ang unang anak Loisa Andalio, Ronnie Alonte nagpa-gender reveal, baby girl ang unang anak Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close