Toni Gonzaga, Paul Soriano ‘di maghihiwalay: Do not waste time sa mga nonsense

"SUPER okay sila," ito ang kaswal na sagot sa amin ng taong malapit sa mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.
Ilang araw na kasing pinagpipistahan sa social media ang blind item na tinawag na Powerful Couple na halos lahat ng celebrity couple ay nabanggit na kabilang na nga sina direk Paul at Toni.
Ang kinuhang clue ay ang simula ng mga letrang P sa powerful at C sa couple na kung ia-analisa ay Paul at Celestine na tunay na pangalan nito
Nabanggit din kasi sa blind item na magkaiba ang kanilang career dahil direktor si Paul at singer/actress si Toni.
At dahil itinanggi na ni Marian Rivera na hindi totoo ang tsismis na tinawag na isa rin sa sinasabing powerful couple dahil nga sa estado ng kanilang mga karera ay binura na sila sa listahan, bukod pa sa pareho sila ng karera bilang artista at producer.
Baka Bet Mo: Toni Gonzaga may balak nga bang bumalik sa 'PBB'?
Nabanggit din sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na ginamit pa ang mukha ng content creator na si Ogie Diaz na kinumpirma raw nitong hiwalay na ang mag-asawa gayung masaya sila sa mahigit nilang mag-asawa mahigit dalawang dekada na.
Bukod dito ay nakausap din namin ang isa sa BFF (bestfriend forever) ni Carmina, "okay po sila."
Kaya ending balik ulit kina direk Paul at Toni ang hula kaya ang ending nag post si Toni Gonzaga sa kanyang Tiktok account.
Aniya, "Do not waste time sa mga nonsense, okay? It's a waste.
"Ang mga waste dapat fina-flush sa CR, just like 'yung mga ibang katanungan ng mga tao dito na walang silbi ang pupuntahan."
Kaagad naman itong ni-like ng TV host, singer at actress na si Karylle.
The post Toni Gonzaga, Paul Soriano 'di maghihiwalay: Do not waste time sa mga nonsense appeared first on Bandera.

No comments: