Michael Pacquiao nagparetoke nga ba ng ilong?

VIRAL ngayon sa social media ang tila bagong "look" ng isa sa mga anak ni Manny Pacquiao na si General Santos City councilor Michael Pacquiao.
Isang video clip ang pinag-uusapan ngayon ng netizens kung saan mapapansin ang umano'y pagbabago sa ilong ng binata.
Makikita sa naturang clue ang pakikipag-usap ni Michael sa mga magulang nitong sina Manny at Jinkee Pacquiao.
Dinagsa naman ng mga komento ang comment section ng naturang post ng mga tanong kung nagpa-enhance nga ba ito ng kanyang mukha partikular na ang ilong.
Baka Bet Mo: Michael Pacquiao walang paki sa bashers: Not everyone will like your stuff
"wow si Michael ba yan nag iba ang mukha or nagpatangos ng ilong," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "hindi na siya puwede mag-boxing hahaha"
"mas gusto ko yung orig na mukha niMichael bagay sa kanya yung panga," sey naman ng isa.
Hirit naman ng isa, "Lalo ni gwapo parang nag paayos Ng nose,it's okey Pera Naman nila Yan bawal judgmental Dito."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Michael tungkol dito.
The post Michael Pacquiao nagparetoke nga ba ng ilong? appeared first on Bandera.

No comments: