BREAKING NEWS

#SerbisyoBandera: Mga batang may cancer binigyang pag-asa ng ‘Reel Hope’

#SerbisyoBandera: Mga batang may cancer binigyang pag-asa ng 'Reel Hope'
PHOTO: Courtesy of Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP)

HINDI lang basta palabas ang hatid ng sinehan, dahil nagbibigay rin sila ng saya at pag-asa! 

Ito ang pinatunayan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) sa kanilang proyekto na "REEL HOPE: CEAP's Gift of Cinema," na ginanap kamakailan sa Gateway Cineplex, Araneta City.

Sa nasabing espesyal na araw, 21 na matatapang na bata na nasa Kythe Foundation Inc., kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga ay nagkaroon ng pagkakataong maranasan ang saya at ginhawa sa isang movie screening ng "Zootopia 2."

Syempre, hindi pwedeng mawala ang snacks na lalong nagpatingkad sa cinematic experience at nagdulot ng maraming tawa at ngiti!

Baka Bet Mo: LIST: 8 Hollywood films na sasalubong sa mga sinehan sa January 2026

Matapos ang palabas, hindi lang tiyan ang napasaya kundi puso rin, lalo na't bawat pamilya ay nakatanggap ng Super Meals, Noche Buena Food Packs, at mga espesyal na regalo mula sa TV5 celebrities, isang personal touch na talagang nagpasaya sa lahat.

"REEL HOPE reflects CEAP's commitment to giving back and using cinema as a platform for good," sey ni JAMES BARTOLOME, Vice-President for External Affairs ng CEAP.

Patuloy pa niya, "This event is more than just a movie screening—it's a celebration of resilience and love. These children remind us of the strength of the human spirit and the importance of compassion. We are honored to make this Christmas brighter for them. CEAP extends its gratitude to its members, sponsors, and partners who made this initiative possible."

"Together, we proved that when we unite for a cause, we can create moments that matter—moments that bring hope, laughter, and love beyond the big screen," aniya pa.

Ang CEAP, isang non-profit organization, ay kumakatawan sa mga nangungunang cinema operators sa bansa. 

Layunin nitong palaguin at panatilihin ang industriya ng sine sa Pilipinas, habang ginagamit ang pelikula bilang paraan para sa kultura, edukasyon, at kabutihang panlipunan.

Sa ganitong paraan, napatunayan ng CEAP na ang magic ng sine ay hindi lang nasa screen, kundi nasa puso rin ng mga taong natutulungan nito.

The post #SerbisyoBandera: Mga batang may cancer binigyang pag-asa ng 'Reel Hope' appeared first on Bandera.


#SerbisyoBandera: Mga batang may cancer binigyang pag-asa ng ‘Reel Hope’ #SerbisyoBandera: Mga batang may cancer binigyang pag-asa ng ‘Reel Hope’ Reviewed by pinoyako on January 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close