Albay Pickleball Club naglabas ng pahayag, nakiusap sa publiko

NAGLABAS ng pahayag ang Albay Pickleball Club kaugnay sa pagkaka-viral ng kanilang samahan matapos mag-trending ang kanilang post kung saan namataan ng mga matanglawin na netizens ang kontrobersyal na content creator na si Claudine Co.
Sa kanilang Facebook page ay umalma ang naturang organisasyon dahil nadadawit ang buo nilang grupo gayong hindi naman dapat madamay.
We would like to address the recent issue circulating online regarding the involvement of the club.
It is truly disappointing to see the club's reputation being questioned based on a single photo taken during our recent Pickleball Open Play for a Cause. This event was open to the public and welcomed anyone who wished to participate.
Baka Bet Mo: Claudine Co namataan sa isang pickleball club open game, netizens napataas ang kilay
Saad ng Albay Pickleball Club, ang naturang event ay ginawa para suportahan ang isang pasyente na may aneurysm kaya ito kinonsoderang charitable event.
"The presence of any individual at an open, community-driven event should not be taken out of context or used to create assumptions about the club's values, intentions, or affiliations.
"Our initiative was organized solely to promote sportsmanship, community involvement, and support for a meaningful cause," lahad pa ng organisasyon.
Dagdag pa nila, ang mga taong nasa naturang larawan sa kanilang buradong post ay pawang mga miyembro at committed sila na pangalagaan ang dignidad at privacy ng mga ito.
Hiling nila sa publiko na hindi dapat madamay ang mga naturang indibiduwal sa galit ng mga netizens sa partikular na taong nakasama lang nila sa larawan.
Samantala, nagpasalamat naman ang Albay Pickleball Club sa patuloy na pagsuporta na kanilang natatanggap.
"We thank everyone for their understanding and support, and we respectfully ask for fairness, respect, and responsible engagement.
"We kindly urge that the club not be dragged into matters unrelated to our mission, as we continue to focus on the positive impact of our charitable efforts," pagtatapos ng organisasyon.
The post Albay Pickleball Club naglabas ng pahayag, nakiusap sa publiko appeared first on Bandera.

No comments: