Ryan Bang ka-level ang BTS, Blackpink sa Top 10 Global Image Influencers

IBANG level at tila hindi na ma-reach ang Kapamilya TV host at comedian na si Ryan Bang!
Hindi lang kasi siya kinagigiliwan sa noontime show na "It's Showtime," pati rin sa buong mundo!
Kasama si Ryan sa Top 10 Global Image Influencers ng South Korea, kasama ang mga bigatin ng K-Pop na BTS at Blackpink.
Batay sa 2025 Republic of Korea Country Image Survey ng Ministry of Culture, Sports and Tourism, na inilabas noong Martes, January 20, nangunguna siyempre ang BTS, sinundan ng football star na si Son Heung-min sa ikalawang pwesto at BLACKPINK sa ikatlo.
Baka Bet Mo: Ryan Bang maraming tinanggihang Korean projects, bakit kaya?
Ikaapat naman ang aktor na si Lee Min-ho, habang parehong nasa Top 5 ang idol girl at boy groups.
Pang-anim sa listahan si Jungkook ng BTS, sinundan ng political figure na si Lee Jae-myung sa ika-pitong pwesto, mga pangulo at national leaders sa ika-walo, pang-siyam na si Ryan Bang, at si LISA ng Blackpink ang nasa Top 10.
Layunin ng taunang survey na tukuyin ang mga personalidad na malaki ang ambag sa kung paano nakikita ang South Korea sa international scene, lalo na sa kultura, entertainment, sports, at leadership.
Tabla sina Ryan, Lee Jae-myung at LISA matapos silang makatanggap ng tig-1.9% ng mga sagot mula sa mga respondent.
Narito ang buong breakdown ng datos:
BTS – 7.9%; Son Heung-min – 5.8%; BLACKPINK – 4.7%; Lee Min-ho – 4.3%; Idol singers (girl and boy groups) – 3.6%; Jungkook (BTS) – 2.5%; Lee Jae-myung – 1.9%; Presidents / national leaders – 1.9%; Ryan Bang – 1.9%; LISA (BLACKPINK) – 1.9%
Noong January 21 na episode ng "It's Showtime," taos-pusong nagpasalamat si Ryan sa lahat ng sumuporta sa kanya, mula sa kanyang team hanggang sa Korean government.
"Gusto ko syempre magpasalamat sa inyong lahat, Republic of Korea, Ministry of Culture, Sports and Tourism, na na-appreciate 'yung mga ginagawa ko rito sa Pilipinas," sey ng TV host-comedian.
Patuloy niya, "And sa Korean embassy here in the Philippines, Ambassador Lee Sang-hwa, for always choosing me as your host sa lahat ng Korean National Day here in the Philippines, lahat ng government events, ako po ang pinipili niyong host for more than 10 years. Thank you so much sa Korean government. Pumasok ako sa Top 10."
Samantala, ang latest chika na kumakalat tungkol kay Ryan ay naghiwalay na umano sila ng kanyang fiancée na si Paola Huyong at nagdesisyong tapusin ang kanilang engagement.
Nag-ugat ito nang mapansin ng netizens at mga Marites na naka-unfollow na sila sa isa't-isa sa IG.
Until now, wala pang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa magkabilang panig kaugnay ng nasabing ulat.
The post Ryan Bang ka-level ang BTS, Blackpink sa Top 10 Global Image Influencers appeared first on Bandera.

No comments: