Nadine Lustre kay Christophe: Kapag nag-break tayo hindi na ‘ko magdyodyowa

HINDI naghahangad ng bongga at super expensive na wedding ang award-winning actress na si Nadine Lustre.
Kung ikakasal daw sila ng kanyang boyfriend na si Christophe Bariou, mas type niya ang isang simple at intimate ceremony lamang.
Sa YouTube vlog ng co-star niya sa Metro Manila Film Festival 2025 entry na "Call Me Mother" na si Vice Ganda, napag-usapan nila ang tungkol sa relasyon nila ni Christophe at ang kanilang future plans.
Ayon kay Nadine, itinuturing niya ang kanyang businessman boyfriend bilang "prince charming" at perfect partner.
Natanong ni Vice si Nadine kung feeling ba niya ay nahanap na niya ang kanyang "prince charming" sa relationship nila ng dyowa niya ngayon.
Mabilis na sagot ni Nadine, "Oo. Sabi ko nga sa kanya, 'Kapag nag-break pa tayo, hindi na ako magdyodyowa.'"
Ibang-iba raw kasi si Christophe sa mga lalaking nakilala niya in the past. Knows naman daw niya na nobody's perfect pero para sa kanya, perpekto na si Christophe for her.
"Feeling ko kasi sobrang okay na siya para sa akin. Hindi man siya perfect pero, para sa akin, sobrang okay na siya and perfect na siya for me.
"For some reasons, alam mo lang na ito na iyon and hayun 'yong ng na-feel ko sa kanya. Kaya sabi ko, 'Kapag nag-break pa tayo, hindi na ako magdyodyowa kasi ayaw ko na.' For me, ang hirap makahanap ng katulad niya," aniya pa.
Sundot na tanong ni Vice, naranasan na ba niya na mapraning bilang girlfriend ni Christophe, "Hindi ko alam pero napi-feel ko lang na secured ako sa kanya.
"Depende talaga sa situation. Like ngayon, may mga times na napaparanoid pa rin ako but not because of the relationship," saad pa ng aktres.
Next question, kung sakaling mag-propose na sa kanya si Christophe, may dream wedding na ba siya?
"Ako, gusto ko naman ng celebration. Pero not necessarily as wedding, parang gusto ko lang ng celebration with family, ganyan.
"Not necessarily malaking celebrations, like sa church, (hindi Disney wedding). Parang gusto ko lang by the lake, by the ocean with close friends, tapos after noon party lang kayo.
"Ganoon lang kasimple. Hindi ako nag-dream talaga ng malaking wedding," sey pa ni Nadine.
Nauna rito, nasabi rin ni Nadine sa chikahan nila ni Vice na ayaw pa raw talaga niyang mabuntis at manganak dahil feeling niya, hindi pa siya handang maging nanay.
The post Nadine Lustre kay Christophe: Kapag nag-break tayo hindi na 'ko magdyodyowa appeared first on Bandera.

No comments: