Mommy Dionisia sa bagong look ni Michael Pacquiao: ‘Uy! Kagwapo!’

HINDI napigilan ni Mommy Dionisia Pacquiao na mapansin at purihin ang bagong itsura ng kanyang apo na si Michael.
Kamakailan lang kasi nang bisitahin siya ng anak ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, kasama ang girlfriend niyang stylist na si Joyce Tan Custodio.
Sa Facebook video ni Michael Yamson, ang longtime boyfriend ni Mommy Dionisia, makikita ang bonding moment ng mag-lola sa bahay ng celebrity mom.
Sa umpisa pa lang ng clip, halatang nagulat si Mommy Dionisia nang makita si Michael, na ngayon ay usap-usapan online dahil sa umano'y nose enhancement procedure.
Baka Bet Mo: Joyce Custodio idinaan sa 'alimango' message kay Michael Pacquiao
"Surprise!" pabirong sabi ng stylist, bago agad napasambit si Mommy Dionisia ng, "Uy! Ka-gwapo!"
Hindi rin napigilan ng celebrity mom ang kanyang curiosity at tinanong ang apo ng, "Unsa na imong ilong?" (Ano nangyari sa ilong mo?)
Matapos ang biruan, makikita ang sweet moment ng mag-lola na nagyakapan bago sila nagkwentuhan kasama si Joyce.
"Bagong looks ng apong si Michael Pacquiao, approved kay Mommy D," caption ng post.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1208729134701485%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe> Matatandaang unang ibinandera ni Michael ang kanyang bagong look sa Instagram noong January 17.
Gayunman, wala pa ring kumpirmasyon o pagtanggi kung sumailalim nga ba siya sa nose enhancement procedure.
Si Michael ang ikalawang anak ng boxing icon na si Manny Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao.
Kamakailan lang din siyang naging usap-usapan matapos pagdiskitahan ng netizens ang umano'y malaking age difference nila ng stylist.
Dahil dito, nagsalita na rin si Joyce at sinabing sanay na sila ni Michael sa mga unsolicited remarks at hindi na sila naaapektuhan ng mga ito.
The post Mommy Dionisia sa bagong look ni Michael Pacquiao: 'Uy! Kagwapo!' appeared first on Bandera.

No comments: