LTO: E-trike bawal na sa EDSA, iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila

MAHIGPIT na ipinagbabawal ang mga electric tricycle o e-trike sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ito ay ipinatupad na ng Land Transportation Office (LTO) simula ngayong Biyernes, January 2.
Kabilang sa mga kalsadang bawal pasukin ng e-trike ang Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), C-5 Road, Roxas Boulevard, at ang kahabaan mula Quirino Avenue hanggang Magallanes–South Luzon Expressway.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa mga patakaran ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na isinasaalang-alang ang kaligtasan ng lahat ng motorista at pasahero.
Baka Bet Mo: Mga besh, knows n'yo na ba ang mga paglabag at multa sa batas trapiko ng LTO?
"This enforcement is based on general considerations of road safety. These major roads are designed for faster and larger vehicles and are not suitable for e-trikes due to traffic speed, volume of vehicles, and the width of the roads," sey ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, na iniulat ng INQUIRER.
Dagdag pa ng ahensya, "Mixing slow-moving and lightweight vehicles on this type of road poses a clear danger to all road users."
"Let us understand that this measure is being implemented for the safety of all road users," ani pa.
Gayunpaman, tiniyak ng LTO na handa silang makipag-ugnayan, lalo na marami ang umaasa sa e-trike bilang pangunahing transportasyon.
"We recognize that many people rely on e-trikes as a means of transportation, which is why the LTO is ready to work with local government units and industry sectors to develop safe and appropriate routes for e-trikes in the coming days," sambit ng ahensya.
Nanawagan din ang LTO sa publiko na sumunod sa mga patakaran upang mapanatili ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko.
Magde-deploy raw sila ng traffic enforcers sa mga kritikal na lugar upang ipaalam ang bagong patakaran at tiyaking maayos itong ipinatutupad.
Binalaan din ng ahensya na ang mga mahuhuling e-trike na bumibiyahe sa mga ipinagbabawal na kalsada ay papatawan ng parusa, kabilang ang multa at posibleng pag-impound ng kanilang sasakyan.
The post LTO: E-trike bawal na sa EDSA, iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila appeared first on Bandera.

No comments: