Awra Briguela mala-Barbie Doll na ang katawan, may tine-take na mga gamot?

MARAMI ang nakapansin sa malaking pagbabago sa hulma ng katawan ng youngstar at social media personality na si Awra Briguela.
Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang latest photos ni Awra na ipinost niya sa Instagram recently kung saan tila "hugis-babae" na raw ang kanyang body.
Kapansin-pansin daw ang pagliit ng kanyang bewang, balikat at mga braso na ikinumpara pa ng mga netizens sa isang Barbie Doll.
"No matter who I was… I choose who I'm becoming," ang mababasa sa caption ng kanyang IG post nitong nagdaang Miyerkules, December 31, Bisperas ng Bagong Taon.
Sa isang TikTok post kung saan ipinakita ang mga bagong litrato ni Awra, may netizen na nagtanong kung nagsimula na siyang mag-take ng hormones kaya bigla siyang sumeksi nang bonggang-bongga.
Sinagot naman ito ng transgender youngstar at nilinaw na hindi pa siya nagte-take ng anumang klase ng hormones bilang bahagi ng kaniyang transition upang maging ganap nang babae.
Sey ni Awra, bago siya uminom ng mga hormonal medication o maintenance kailangan muna niyang kumpletuhin ang kanyang mga laboratory tests.
"I haven't started yet. I'm not taking any hormones for now because I need to complete my lab tests first so my endocrinologist can prescribe what's best for me."
"I'll start this January, and it feels like the perfect time to begin transitioning as the year starts.
"I just want to make sure my transition is safe and healthy," ang pahayag pa ni Awra.
The post Awra Briguela mala-Barbie Doll na ang katawan, may tine-take na mga gamot? appeared first on Bandera.

No comments: