Janus del Prado bugbog sa fans ni Carla: ‘Bulak na lang kulang sa ilong mo!’

KINUYOG ng mga netizens ang aktor na si Janus del Prado matapos nitong benggahin ang wedding cake nina Carla Abellana at Reginald Santos.
Inokray nang bonggang-bongga ni Janus ang cake sa kasal ng Kapuso actress at ng husband nitong doktor na ginanap last December 27.
Ang tingin kasi ng character actor, nagmukhang kabaong sa burol ang cake sa wedding ni Carla dahil sa haba nito at sa ilang bulaklak na nakapaligid dito.
"Cake! Ba't mo kami iniwan! Huhu!" ang mababasa sa caption ni Janus. Hirit pa niya, "Sisiw na lang kulang."
Sa isa pang hiwalay na post, muli ng inokray ni Janus ang cake nina Carla, "Yung CAKE ang inorder mo pero WAKE ang ibinigay."
May netizen na um-agree sa pahayag ni Janus at nagkomento kung bakit pahaba nga ang cake at kakulay pa ng ataul.
Reply ni Janus sa kanya, "Till death do us part ata daw meaning niyan. Yung bulaklak talaga sa harap yung kumumpleto eh."
Hindi naman ito pinalampas ng aktres at talagang sinagot ang panlalait ni Janus sa kanilang wedding cake, "Masarap naman at fully edible. Pati guests nag-enjoy. Para sa amin maganda siya at yun ang importante."
Sa Facebook page ng BANDERA, marami ang nambasag kay Janus. Hindi raw niya nirespeto ang kasal nina Carla at Reginald. Narito ang ilan sa kanilang komento.
"Si Janus tlga merong tendencies na mag call out nang mga random na bagay."
"Parehas kayong may amats. Hahahaha.""Libre lang po maging mabait. Maging masaya nlng po tayo sa kanila."
"Lahat may puna, jusco 2026 na anuh bago-bago din naman…huwag paki-alaman ang trip ng iba."
"Learn to be kind and happy for others."
"Bless si Carla intelligent kind beautiful. Janus stupid evil."
"Janus, ikaw bulak na Lang Ang kulang sa ilong mo."
"Gusto magpasikat ang hindi kilala sino ba yan nang Okray na yan kilala nyo ba sya hahahaha."
"Pangit na nga pangit pa ugale ok sana kong yong namintas sikat mayaman kaso pitsugen lalo na mukha KSP lang."
"Yabang Sana niregaluhan mo Si Carla bago ka mamintas."
"Feeling gwafu mukha Naman gusgusin hahahaha."
"Hindi na importante ang cake bongga man to the max level or hindi, ang importante napakaganda at napaka gwapo at lalong napakabait ng mga ikinasal, kaloka ka janus, wala kana bang movie kahit extra man lang."
The post Janus del Prado bugbog sa fans ni Carla: 'Bulak na lang kulang sa ilong mo!' appeared first on Bandera.

No comments: