Kris Bernal iniiwasan ni Aljur Abrenica: Ano bang kasalanan ko?

TOTOO nga kayang dinededma at iniiwasan ni Aljur Abrenica ang dati niyang ka-loveteam sa GMA 7 na si Kris Bernal?
Nagtataka ang Kapuso actress kung bakit daw ang feeling niya ay ayaw na siyang makita at makausap ng hunk actor gayung wala naman daw silang pinag-awayan.
Umabot pa nga raw sa puntong in-unfriend at i-unfollow siya ni Aljur sa social media kaya wala na siyang way para magkausap sila.
"Wala kaming communication. Ang alam ko, hindi kami magkagalit. Basta ako, I tried naman na mag-reach out sa kanya.
"Pero, hindi ko alam kung bakit hindi niya ako sinasagot. Nagti-text ako, Viber sa kanya, pero wala talaga," ang pahayag ni Kris sa panayam ng media sa grand mediacon ng latest Kapuso afternoon series na "House of Lies".
Pagpapatuloy ni Kris, "Ang tagal ko na siyang kinu-contact, dahil gusto ko nga siyang i-guest sa YouTube channel ko. Pero wala talaga.
"Nag-message pa ako sa brother niya, si Vin Abrenica, kung 'yun pa rin ang number ni Aljur. Pareho pa rin naman daw. Pero, anong meron? Bakit parang lumalayo siya sa akin.
"Gusto ko lang naman siyang maka-collab sa YouTube ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Napansin ko lang talaga na he started unfollowing me," nagtatakang sey ng aktres.
Hirit pa niya, "Bakit? Ano ba ang nagawa ko? So, in-unfollow ko na rin siya. Wala naman akong ginawa sa kanya. Ano ba ang kasalanan ko?"
Pero may isang naiisip na dahilan si Kris, "Nag-prank kasi ako sa YouTube ko, pero matagal na 'yon, pandemic pa ito. Niloko ko siya na buntis ako, ganun, ganyan, tapos ang haba ng sinabi niya sa 'kin.
"Isang oras kaming nag-usap noon. Then, sinabi ko nga sa kanya na prank yun. Dalaga pa kasi ako noon. Sumakay siya sa prank ko. Nagpakita siya ng concern. Genuine ang mga payo niya sa akin.
"After that, hindi na niya ako kinausap. So, baka 'yon. Pero sorry Aljur, hindi na kita ipa-prank. At saka, matagal na rin naman yun," dagdag pa niya.
Samantala, mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang "House of Lies" sa January 19, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.
Makakasama ni Kris dito sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, Snooky Serna, Jackie Lou Blanco at marami pang iba.
The post Kris Bernal iniiwasan ni Aljur Abrenica: Ano bang kasalanan ko? appeared first on Bandera.

No comments: