Bong Revilla bigong makapagpasok ng damit, gadgets sa kulungan

HINDI pinayagang ang dating senador na si Ramon "Bong" Revilla Jr. na makapagpasok ng anumang damit o gadget sa Quezon City Jail – Male Dormitory matapos harangin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay JSupt. Jayrex Joseph Bustinera noong Miyerkules, January 21, ang mga hindi authorized na mga gamit na sinubukang ipasok ng dating senador ay ipinauwi na lamang sa kanyang abogado."Lahat ng damit na hindi authorized, hindi dilaw, gaya ng civilian plain clothes niya [Revilla] na dala, pinauwi natin 'yon sa kanyang abogado. And other gadgets, pinauwi rin natin dahil bawal ang gadgets," saad ni Bustinera.
Dahil rito ay pinagsuot na lamang siya ng dilaw na t-shirt at jogging pants na siyang tinatawag na "standard uniforml ng mga PDL o persons deprived of liberty (PDL).
Baka Bet Mo: Jolo Revilla umalma sa publiko: Katotohanan ang mananaig
Bandera IG
Bukod rito ay binigyan rin si Revilla ng ekstrang t-shirt pati na rin ng hygiene kit.
Tiniyak rin ng BJMP na walang special treatment na ibibigay sa dating senador.
"Kung ano ho ang kakainin ng isang ordinaryong bilanggo, 'yon din ang ihahain [kay Bong Revilla]," sey ni Bustenera.
Matatandaang noong Lunes ng gabi, January 19, kusang sumuko sa Sandiganbayan si Revilla kaugnay sa kinakaharap na kaso kung saan nasangkot siya sa isang maanomalyang flood control project sa Bulacan.
The post Bong Revilla bigong makapagpasok ng damit, gadgets sa kulungan appeared first on Bandera.

No comments: