BJMP magdedeklara ng red alert kapag naaresto si Atong Ang

MAGDEDEKLARA ng red alert ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) oras na maaresto ang most wanted person sa bansa na si Atong Ang.
Lahad ni BJMP Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera, bahagi ito ng kanilang Standard Operating Procedure (SOP) kapag high-profile ang kaso at maituturing high-risk security situation.
Ilan pa sa mga rason sa paglalagay sa red alert sa sitwasyon ni Atong ay dahil sa pagkakaroon ng posibilidad na magka-rescue attempt o jailbreak, pagtaas ng tensyon sa loob ng kulungan, at pati na rin intelligence reports ng banta sa seguridad at pag-iingat laban sa posibleng inside job.
Sa ilalim ng red alert, mas mapapahigpit ang seguridad at pagbabantay upang makaiwas sa pagkakaroon ng panunuhol, pagpasok ng kontrabando, o sabwatan sa loob ng kulungan.
Baka Bet Mo: Kampo ni Atong Ang isinuko 5 baril sa PNP; 1 nawawala
Nangangako naman si Bustinera na handa na ang Santa Cruz District Jail matapos maglabas ng arrest warrant ang Santa Cruz, Laguna Regional Trial Court Branch 26.
Handa ma rin ang San Pablo City Jail at Lipa City Jail kung saan may nakabinbing kaso ang puganteng negosyante.
Sisiguraduhin rin nila ang kaligtasan hindi lang ni Atong kundi pati na ng BJMP personnel, ibang mga PDL, at ng publiko.
Wala ring mangyayaring VIP treatmet dahil isasama si Atong sa iba pang mga preso.
Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon at patuloy pa ring pinaghahahanap ng mga awtoridad kung saan naroroon ang negosyante.
The post BJMP magdedeklara ng red alert kapag naaresto si Atong Ang appeared first on Bandera.

No comments: