‘Ada’ bahagyang lumakas, Signal No. 1 itinaas sa malaking bahagi ng bansa

PATULOY na lalakas ang unang bagyong ng taon na si Ada, habang binabadya ang Philippine sea sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa 8:00 a.m. weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 385 km silangan ng Northeast of Hinatuan, Surigao del Sur o 465 km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas na hanging 55 kpg malapit sa gitna at bugsong aabot sa 70 kph.
Sa ngayon, kumikilos ito sa bilis na 20 kph pa-kanluran.
Baka Bet Mo: Bagyo 101: Ang ultimate guide para hindi ma-confuse sa klase ng bagyo, wind signals
Base sa forecast track ng PAGASA, ang bagyo ay posibleng lumapit sa Eastern Samar at Northern Samar pagdating ng Biyernes, January 16, o Sabado, January 17.
Nagtatangka rin itong humagupit sa Catanduanes pagsapit ng Linggo, January 18.
Sabi pa ng ahensya, inaasahan na ito ay magla-landfall sa Eastern Visayas at Bicol Region.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Luzon, partikular na ang Sorsogon, at southeastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Manito, Legazpi City).
Gayundin sa ilang lugar sa Visayas, kabilang na ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, eastern portion ng Biliran (Maripipi, Kawayan, Culaba, Caibiran, Cabucgayan), eastern portion ng Leyte (Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City, Tunga, Jaro, Alangalang, Santa Fe, Palo, Dagami, Pastrana, Tanauan, Tabontabon, Julita, Dulag, Tolosa, La Paz, Mayorga, Macarthur, Javier, Abuyog, Mahaplag), at eastern portion ng Southern Leyte (Silago, Sogod, Libagon, Saint Bernard, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan, San Juan, Liloan, San Ricardo, San Francisco, Pintuyan).
May mga kasama rin sa Mindanao, ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
The post 'Ada' bahagyang lumakas, Signal No. 1 itinaas sa malaking bahagi ng bansa appeared first on Bandera.

No comments: