Eman Pacquiao, Jimuel pinaglalaban, sino’ng mas nagmana kay Pacman?

PINAGKUKUMPARA ngayon ng madlang pipol ang magkapatid na Eman Bacosa Pacquiao at Jimuel Pacquiao pagdating sa pagiging boksingero.
Pinagtatalunan ng mga boxing fans pati na ng mga Marites kung sino ba talaga ang tunay na nagmana sa pagiging boxing champion ng kanilang amang si Manny Pacquiao.
Nag-ugat ang pang-iintriga sa magkapatid sa naging resulta ng laban ni Jimuel sa kanyang pro boxing debut mula sa Manny Pacquiao Promotions (MPP).
Sa isang social media platform, nabasa namin ang iba't ibang reaksiyon ng netizens sa pakikipagbakbakan ni Jimuel kay Brendan Lally na nauwi lamang sa "majority draw".
Hindi ito nagustuhan ng mga netizens kasabay ng pang-ookray nila sa panganay na anak ng Pambansang Kamao at dating senador habang pinuri naman nila si Eman na ilang beses nang nanalo sa kanyang mga laban.
Ang latest win ni Eman ay ang unanimous decision kontra Nico Salado sa naganap na "Thrilla in Manila 2" noong October.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens patungkol sa magkapatid.
His bastard is a way better fighter atm."
"As per the fighters here in the PH, Jr's stat is so padded. Emman Bacosa is a way better fighter."
"This kid should consider what he wants to do with his life. I can't believe how bad he looked with who his father is. He fights like he's trained a couple months and this draw was a gift."
"I was very surprised by his performance yesterday. He was even worse than I thought. The look on Pac and Jinkee's faces when the camera panned to them was pure comedy. Get this kid in college ASAP."
"In the fight game, you need to be hungry physically and figuratively. Manny came from absolutely nothing and had to crawl his way to the top."
"Terrible start lmao, just started and are already drawing with cans."
"He sucks mannys other kid is way better."
"Emman Snow supremacy."
Kamakailan naman ay pumirma na rin si Eman ng kontrata sa GMA Sparkle Artist Center at looking forward siya na makagawa ng acting project kasama ang ultimate crush niyang si Jillian Ward.
Si Eman ay anak ni Pacman sa dating waitress na si Joanna Rose Bacaso na nakarelasyon ng dating senador noong 2003.
The post Eman Pacquiao, Jimuel pinaglalaban, sino'ng mas nagmana kay Pacman? appeared first on Bandera.

No comments: