Derek Ramsay pinuno ng halaman ang bahay paglayas ni Ellen: ‘Fresh start!’

BINAGO na ng aktor na si Derek Ramsay ang itsura ng bahay niya kung saan tumira ang mag-ina niyang sina Ellen Adarna at Lili kasama si Elias Modesto.
Base sa latest Instagram Stories ni Derek, pinuno niya ng mga halaman ang kanyang tahanan dahil gusto raw niya ng fresh start.
"New Plants fresh start," ang capton ng actor sa kanyang IG post.
Sa kanyang mahabang hagdanan ay naglagay siya ng malaking halaman, sa kanto bago umakyat, sa lanai ay meron dinng malalaking halaman sa may salas ay meron din sa kusina, actually sa buong bahay.
Tuluyan nang nilisan ni Ellen ang bahay na pag-aari ni Derek matapos silang maghiwalay at kagabi nga ay ipinost na ng aktor ang bagong look ng kanyang tirahan.
Nang itsek naman namin ang social media page ni Ellen ay wala naman kaming nakitang bagong post tungkol sa paglipat niya.
The post Derek Ramsay pinuno ng halaman ang bahay paglayas ni Ellen: 'Fresh start!' appeared first on Bandera.

No comments: