Vilma Santos pangarap gumanap na Muslim at PWD sa next movie

IKA-10 Best Actress award na ni Ms. Vilma Santos ang natanggap niyang tropeo para sa "Uninvited" sa 41st PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Makabagong San Juan Theater, San Juan City nitong Linggo, Nobyembre 30.
Ang mga pelikulang nagpanalo sa aktres at politiko ay ang mga sumusunod: "Pahiram ng Isang Umaga" (1989), "Dahil Mahal Kita, The Dolzura Cortez Story" (1993), "Bata, Bata, Paano ka Ginawa" (1998), "Anak" (2000), "Dekada 70" (2002), "Mano Po" (2004), "In My Life" (2009), "Everything About Her" (2016), "When I Met You in Tokyo" (2023), at ito ngang "Uninvited" for this year.
Sabi ni Ate Vi, "Binanggit ko lamang po ito para ipaalam sa inyo na for so many years hanggang sa araw na ito, nandidiyan pa rin po ang tiwala n'yo sa akin at ang Star Awards po will always be a big part of my life and my career, 63 years in the business, at ang PMPC will always be in my heart as part of my career."
Bukod sa best actress award ay wagi rin ang aktres bilang Female Star of the Night kasama si Dennis Trillo bilang Male Star of the Night na itinanghal ding Best Actor para sa pelikulang "Green Bones" at katabla si Aga Muhlach for "Uninvited."
Isa-isang pinasalamatan ng Star for All Seasons ang mga nakasama niya sa "Uninvited" tulad ng direktor niyang si Dan Villegas, Bryan Diamante at Catsi na producers niya at co-actors.
Hindi naman nakalimutan ni Ms. Vilma na ialay ang kanyang tropeo sa asawang si Acting Executive Secretary Ralph Recto, at dalawang anak na sina Cong. Ryan Christian Recto at Luis Manzano at asawang si Jessy Mendiola.
Samantala, nabanggit dati ng gobernadora ng Batangas na gusto pa niyang gumawa ulit ng pelikula next year at nais daw niyang gumanap na babaeng Muslim o person with disability o PWD.
The post Vilma Santos pangarap gumanap na Muslim at PWD sa next movie appeared first on Bandera.

No comments: