DENR kinilala pro-environmental drive ng Villar Foundation
GINAWARAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Green Legacy Award ang Villar Foundation dahil sa pangangalaga sa kalikasan.
Ibinigay ang parangal sa Green Legacy Awards 2025, na may temang "Greenerships: Building a Sustainable NCR Together."
Kinilala ng DENR ang malaking ambag ng Villar Foundation sa pangangalaga ng kapaligiran at pagpapanatili ng balanseng ekolohiya.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: DENR nais iligtas ang 6 endangered animals, naglabas ng 'merch'
Partikular na kinilala ang mga programa para sa rehabilitasyon ng mga ilog, mga inisyatiba sa pagbawas ng basura, at malawakang environmental education campaigns sa mga komunidad at paaralan.
Ipinaabot naman ni dating Sen. Cynthia Villar, Managing Director ng foundation, ang kanilang pasasalamat sa pagkilalang ibinigay ng DENR.
"We are honored by this award. Sustainability has always been central to our advocacy. Protecting the environment secures the future of every Filipino family," sabi ni Villar.
The post DENR kinilala pro-environmental drive ng Villar Foundation appeared first on Bandera.

No comments: