Zaldy Co kanselado na ang passport, mga PH embassy sa ibang bansa natimbrehan na

INIULAT ni Pangulong Bongbong Marcos na tuluyan nang nakansela ang passport ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.
Sa isang video na ibinahagi sa kanyang Facebook page ay inihayag ng pangulo na nagbigay na siya ng instructions sa Department of Foreign Affairs (DFA) pati a rin sa Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa mga Philippine Embassy sa iba't ibang bansa para tiyaking hindi makakapagtago ang dating kongresista sa iba't ibang bansa.
"Ang passport po ni Zaldy Co ay kanselado na kaya in-instruction-an ko na ang Department of Foreign Affairs pati ang PNP na makipagugnayan sa ating mga embassies sa iba't-ibang bansa para tiyakin na hindi maaaring magtago ang ating hinahabol," lahad ng pangulo.
Baka Bet Mo: Sarah Discaya sumuko na sa NBI kahit wala pang arrest warrant
Dagdag pa niya, kung sakali mang mapadpad si Co sa ibang bansa ay agad itong mai-report sa kanila upqng maisaayos ang pagpapabalik nito sa Pilipinas para harapin ang kanyang mga kinasasangkutang isyu sa maanomalyang flood control projects.
"Kaya nakikita naman natin na maganda ang takbo ng ating proseso at yung ating mga hinihinalang kasama dito sa ganitong klaseng sindikato ay haharap sa hustisya.
"Asahan po ninyo na patuloy pa rin ang ating imbestigasyon, patuloy pa rin ang ating pagpila ng mga kaso upang tiyakin na ang mga guilty dito sa ganitong klaseng iskandalo ay haharap sa batas at bukod dyan, maibalik ang ninakaw na pera sa taumbayan," pagtatapos ng pangulo.
The post Zaldy Co kanselado na ang passport, mga PH embassy sa ibang bansa natimbrehan na appeared first on Bandera.

No comments: