BREAKING NEWS

Vice Ganda: Hanggang sa Miss Universe ninakawan niyo ang Pilipinas!

Vice Ganda: Hanggang sa Miss Universe ninakawan niyo ang Pilipinas!

TILA hindi kumbinsido ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda sa naging resulta ng mga nanalo sa Miss Universe 2025.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya matapos ianunsyo ang winner ng naturang international beauty pageant.

"Hanggang sa Miss Universe ninakawan nyo ang Pilipinas! Grabe!!!  #MissUniverse2025" saad ni Vice.

Sa hiwalay na tweet ay sinabi niyang, "Unacceptable!!!!!  #MissUniverse2025."

Baka Bet Mo: Vice Ganda todo suporta kay Ahtisa Manalo: That was a perfect swimsuit!

Maging ang mga netizens ay kapareho ni Vice na talgang frustrated sa naging resulta.

May ilan pa nga na nagsasabing tila luto o kaya nama'y baligtad ang announcement ng winners.

"Meme Vice parang baligtad no? Yung mga bottom dapat 'yung mga nasa mataas na ranking," saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, "si thailand at mexico parang head to head ni raul vs. nawat HAHAHA."

"Wala na meme vice. Cooking show talaga pero slay pa rin si Ahtisa," sabi naman ng isa.

Sa kabila nito ay pinuri pa rin ng Kapamilya superstar ang husay na ipinamalas ni Ahtisa Manalo.

"Philippines let us all CONGRATULATE Ahtisa Manalo!!! She worked hard, performed well and WON it!!!!" ani Vice.

The post Vice Ganda: Hanggang sa Miss Universe ninakawan niyo ang Pilipinas! appeared first on Bandera.


Vice Ganda: Hanggang sa Miss Universe ninakawan niyo ang Pilipinas! Vice Ganda: Hanggang sa Miss Universe ninakawan niyo ang Pilipinas! Reviewed by pinoyako on November 21, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close