Jillian Ward looking forward ring makilala si Eman Bacosa: Sana magkita kami soon

HINDI mapigilan ng mga netizens ang kiligin matapos ipahayag ng Kapuso actress na si Jillian Ward na nais rin niyang makilala si Eman Bacosa Pacquiao.
Sa naging panayam sa kanya ni Nelson Canlas na umere sa "24 Oras" nitong Huwebes, November 20, ikinuwento niya kung kailan niya unang napansin ang binata.
Chika ni Jillian, nakikita na niya si Eman sa Instagram na nagla-like sa kanyang mga posts.
"Nakita ko po siya sa Instagram ko na nagla-like siya, so na-a-appreciate ko naman.
Baka Bet Mo: Eman Bacosa Pacquiao ganap nang Sparkle artist, mas mapapalapit kay Jillian Ward?
"Finalow niya po ako. Finallow niya po muna ako tapos ayon Finallow back ko," lahad ni Jillian.
Dagdag pa niya, nakikita na niya sa social media ang binata kaya pamilya na siya sa young boxer.
"Napapanood ko din po 'yung mga TikToks tungkol sa kanya na he's very Godly, he's very nice," sabi pa ni Jillian.
Full support naman ang aktres sa pagpasok ng anak ni Manny Pacquiao sa showbiz lalo na't nasa iisang network lamang sila.
"Welcome to Sparkle. Welcome to GMA, and I pray na hindi ka magbago. I pray po na he stays true to himself, very Godly and may God bless him always, and sabi niya sana magkita kami soon, so ayon, I hope to see you soon din," sey pa ni Jillian.
Para sa mga hindi aware, si Eman ang anak ng Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao at ni Joanna Rose Bacosa na siyang nag-trending matapos ang kanyang laban sa "Thrilla in Manila 2" noong October 29.
Matatandaang sa kanyang naging panayam sa "Fast talk with Boy Abunda" ay inamin niya na ang kanyang super celebrity crush ay si Jillian Ward.
Marami naman sa mga netizens ang todo support at todo ship sa dalawa dahil nakikitaan nila ito ng chemistry.
The post Jillian Ward looking forward ring makilala si Eman Bacosa: Sana magkita kami soon appeared first on Bandera.

No comments: