Signal No. 5 posibleng itaas sa ilang lugar sa bansa dahil sa super typhoon

POSIBLENG itaas sa tropical cyclone wind signal no. 5 ang ilang lugar sa bansa na inaasahang daraanan ng super typhoon Uwan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi nila isinasantabi ang posibilidad na umabot sa signal no. 5 ang epekto ng naturang bagyo sa oras na manalasa na ito.
Batay sa 11 p.m. weather bulletin ng PAGASA nitong Huwebes, November 6, huling namataan ang tropical storm Fung-Wong sa layong 1,550 kilometers East of Northeastern Mindanao, sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometer per hour at pagbugsong 105 kilometers per hour habang kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.
Baka Bet Mo: Kalma lang! Mga dapat tandaan sa tuwing may bagyo, pagbaha
Ngayong Biyernes ng gabi, November 7, o madaling-araw ng Sabado, November 8, naasahang papasok ng PAR ang bagyo bilang "typhoon" na papangalanang Uwan na inaasahan ngang magiging "super typhoon."
Maglalabas ang PAGASA ng wind signals sa eastern portion ng Luzon at sa ilang probinsya ng Samar ngayong araw o bukas ng umaga.
"The highest possible Wind Signal for the current forecast scenario is Wind Signal No. 5. Deterioration of weather condition may begin on Sunday (09 November)," sabi ng PAGASA.
"Potentially life-threatening stormy conditions may occur over Northern Luzon and portions of Central Luzon on Monday (10 November) and Tuesday (11 November).
"There is also a potential for high storm surge risk and related coastal flooding, especially in Northern Luzon and the east coast of Central Luzon. Storm surge warnings may be issued as early as Saturday," sabi pa ng ahensiya.
Dahil dito, muling nagpaalala at nagbigay ng warning ang pamahalaan sa sambayanang Pilipino na paghandaan ang parating na bagyo at patuloy na mag-monitor sa mga kaganapan sa iba't ibang bahagi ng bansa.
The post Signal No. 5 posibleng itaas sa ilang lugar sa bansa dahil sa super typhoon appeared first on Bandera.

No comments: