Baron, Maris naging ‘awkward’ sa eksena sa BQ: ‘Can’t believe ginagawa natin ‘to!’

INAMIN nina Baron Geisler at Maris Racal na may awkwardness sa eksenang nagbubugbugan sila dahil gusto siyang pagsamantalahan.
Si Maris ay nagpanggap na escort girl para mahuli ang gumulpi sa kapatid niyang comatose sa hospital.
"Sobrang awkward kasi batang kapatid ko na itong si Maris," sey ni Baron.
Magkasama ang dalawa sa seryeng "Incognito" at lahat sila ay magkakapatid ang turingan.
Baka Bet Mo: Maris Racal umiiyak kapag walang project, walang pambayad ng bills
Tugon ni Maris sa sinabi ni Baron, "Yes, awkward at may effort na tanggalin ang awkwardness at buti na lang brother ko 'to."
Sang-ayon naman ang aktor, "Buti na lang close kami ni Maris (since Incognito)."
"Yes brother ko 'to and I can't believe na ginagawa natin 'to, ha, ha, ha," tawa ng tawang sabi ni Maris.
"The scene all in all naman, I took it seriously pero for sure it's going to be fun. Fun to watch for everyone. At dito makikita rin ang lakas ni Ponggay (karakter ni Maris). 'Di ba ang laki-laki ko tapos kaya niya akong upakan. At doon din makikita ang sablay ng karakter ni Rocky Boy (pangalan ni Baron sa serye) at ang advantage ay magkakilala tayo," kaswal na sabi ng aktor.
Isa pang dahilan ni Maris na kaya dapat walang akwardness, "Kasi kung hindi tatanggalin, hindi magiging (epektibo) o half-baked."
Medyo sexy kasi ang costume ni Maris bilang si Angel Babe at si Baron naman ay wrestler ang dating.
Si Direk Richard Somes ang kumuha sa eksenang ito ng dalawa sa BQ dahil si Coco Martin naman ay abala sa eksenang sinundan niya si Rosanna Roces.
"Inalagaan naman niya (direk Richard) kami sa mga eksena. Kasi nu'ng una hindi ko alam ang gagawin, paano ko (ia-arte) ang pagiging wrestler (patay na patay kay Maris). Hindi ko alam paanong atake ito, it's my first time to do something like this," kwento ni Baron.
At dahil bugbugan ang eksena na dahil hindi mayakap ni Baron ang dalaga dahil pumapalag at maraming anggulo ang kailangan kaya panay ang "cut" ni Direk Richard na sa tuwing magka-cut siya ay naghahagikgikan ang dalawang artista.
"Sorry-sorry direk," sambit ni Maris.
Anyway, ang nasabing panayam nina Baron at Maris ay naka-post sa Facebook account ng CCM Film Productions.
The post Baron, Maris naging 'awkward' sa eksena sa BQ: 'Can't believe ginagawa natin 'to!' appeared first on Bandera.

No comments: