BREAKING NEWS

Mark Bautista niligawan si Sarah G pero nganga; may dine-date na artista

Mark Bautista niligawan si Sarah G pero nganga; may dine-date na artista

NILIGAWAN ng Kapuso singer-actor na si Mark Bautista ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo pero hindi siya nagtagumpay.

Inamin ni Mark ang tungkol sa pagporma niya kay Sarah sa panayam sa kanya ng "Fast Talk with Boy Abunda" kahapon Huwebes, November 7.

Natanong ni Tito Boy sa binata ang tungkol sa panliligaw niya umano kay Sarah noong pareho pa lamang silang nagsisimula sa mundo ng entertainment industry.

"Nag-attempt. But I failed," ang diretsahang pag-amin ni Mark. Sey ng King of Talk kung hindi siya nagkakamali, nangyari ang ligawan taong 2007 o 2008.

Baka Bet Mo: Mark Bautista inakalang katapusan na dahil sa shooting incident sa US

Kung matatandaan, noong 2003 naging magkalaban sina Mark at Sarah sa reality singing search na "Star For A Night" hosted by Regine Velasquez at isa sa naging judge sa programa ay si Tito Boy.

Samantala, inamin din ni Mark na may nagpapaligaya ngayon sa kanyang puso. "Kung espesyal, meron. And my heart is in the right place," aniya.

Natanong kasi si Mark kung may nililigawan siyang artista, pero nilinaw niya na "dine-date" niya ngayon ang tinutukoy niyang celebrity.

"I think dumating. And I think na-feel ko na parang, 'Ay, shocks. Ito 'yung taong komportable ako na… I can be myself,'" sey ni Mark.

Dumating daw sa buhay niya ang taong ito noong panahong parang wala na siyang tiwala sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

"Kasi matagal din, Tito Boy. Matagal akong parang napu-frustrate dahil parang feeling ko, 'Ako ba 'yung may problema?' Parang gano'n. Masyado ba akong choosy? Or masyado ba akong hindi na marunong magmahal ba?" ani Mark.

The post Mark Bautista niligawan si Sarah G pero nganga; may dine-date na artista appeared first on Bandera.


Mark Bautista niligawan si Sarah G pero nganga; may dine-date na artista Mark Bautista niligawan si Sarah G pero nganga; may dine-date na artista Reviewed by pinoyako on November 06, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close