Romualdez, iba pang House solons hindi dumalo sa DPWH fund mess Senate hearing

Hindi dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sina dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez, pati ang iba pang miyembro ng Kamara na idinadawit sa mga maanomalyang flood-control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson, sumulat sa kanya si House Speaker Bodjie Dy III at ipinaalam ang hindi pagharap sa pagdinig ng mga kongresista.
Ikinatuwiran ni Dy na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga anomalya at nagsumite na ang mga isinasangkot na kongresista ng kanilang paliwanag.
Baka Bet Mo: Zaldy Co inutusan lang daw ni PBBM, Romualdez: 'Ginamit akong panakip-butas'
Inimbitahan din ng komite si dating Ako Bicol rep. Zaldy Co, ngunit nagsumite ng sulat ang kanyang abogado at sinabi na nasa ibang bansa ang dating mambabatas dahil sa kondisyong medikal.
Marami din sa mga idinadawit na contractors at mga kasalukuyan at dating opisyal ng DPWH ang hindi nakaharap sa pagdinig sa magkaka-ibang kadahilanan.
Sa kanya ding pambungad na pahayag, ibinahagi ni Lacson na pinatuyang peke ang pirma ng notaryo sa sinumpaang-salaysay ni dating Marine Sgt. Orlando Guteza, na unang sinabi na kabilang sa mga naghatid ng mga maleta na punong-puno ng pera sa mga bahay nina Co at Romualdez.
The post Romualdez, iba pang House solons hindi dumalo sa DPWH fund mess Senate hearing appeared first on Bandera.

No comments: