BREAKING NEWS

Zaldy Co inutusan lang daw ni PBBM, Romualdez: ‘Ginamit akong panakip-butas’

Zaldy Co inutusan lang daw ni PBBM, Romualdez: 'Ginamit akong panakip-butas'

BINASAG na ni dating congressman Zaldy Co ang kanyang pananahimik kaugnay ng kontrobersyal na flood control scandal.

Base sa mga ulat ng ilang media outlet, na may kasama pang video mismo ni Co, diretsahang niyang sinabi na ginawa umano siyang "scapegoat" ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Kwento niya, umalis siya ng bansa noong Hulyo para sa medical checkup at balak na sana niyang bumalik matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ngunit nagbago raw ang lahat matapos ang isang tawag mula kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Baka Bet Mo: Alden Richards nagbabala kay Zaldy Co: May araw ka rin

Ayon sa kanya, sinabi raw ni Romualdez sa telepono: "Stay out of the country. You will be well taken care of as instructed by the President."

Pahayag pa niya, "Noon naniniwala pa ako sa kanila, kaya hindi ako bumalik. Tumikom ang aking bibig, sumunod ako. Pero ang hindi ko alam, ang ibig pala nilang sabihin sa aalagaan ka namin ay gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon.  Ginawa nila akong poster boy ng kanilang sariling kasinungalingan."

Dagdag niya, "Ngayon, hindi na ako mananahimik, ilalabas ko ang lahat ng katotohanan. May resibo, may ebidensya, at may pangalan."

Ibinunyag din ni Co sa video na ipinadala sa mga reporter na naglagay siya ng P100 billion sa 2025 national budget at hinati raw ang alokasyon sa DPWH infrastructure projects at sa unprogrammed funds.

Pero giit niya, utos daw ito nina Pangulong Marcos at Romualdez.

Kinumpirma raw niya ito kay Undersecretary Adrian Bersamin, at pagkatapos ay agad niyang ipinaalam kay Romualdez.

Ayon sa kanya, sinabi raw sa kanya ng dating Speaker: "What the President wants, he gets."

Sey pa ng dating congressman, "Kaya po nagtataka ako kung bakit sinasabi ni Pangulo na hindi niya makilala ang budget, samantalang lahat na ibinawas at idinagdag sa mga ahensya ng gobyerno ay humihingi ng approval sa kanya si Sec. Mina Pangandaman."

Nabanggit din ni Co na binantaan siya upang hindi magsalita: "Ginagamit ng administrasyon ang buong resources ng bansa para tumahimik ako. That he will shoot me if I will talk and gagamitin ako bilang panakip butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon."

The post Zaldy Co inutusan lang daw ni PBBM, Romualdez: 'Ginamit akong panakip-butas' appeared first on Bandera.


Zaldy Co inutusan lang daw ni PBBM, Romualdez: ‘Ginamit akong panakip-butas’ Zaldy Co inutusan lang daw ni PBBM, Romualdez: ‘Ginamit akong panakip-butas’ Reviewed by pinoyako on November 13, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close