BREAKING NEWS

14 lechonan sa La Loma ipinasara ng QC LGU, ilang baboy positibo sa ASF

14 lechonan sa La Loma ipinasara ng QC LGU, ilang baboy positibo sa ASF
PHOTO: Screengrab from nolisoli.ph

MATINDING inspeksyon ang ikinasa ng Quezon City Veterinary Department (CVD), kasama ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga lechonan sa La Loma, habang papalapit ang Kapaskuhan.

Sa ginawang pagsusuri, may mga baboy umanong nagpositibo sa African Swine Fever (ASF)! 

Dahil dito, inirekomendang i-surender sa culling ang mga apektadong baboy para hindi kumalat ang sakit.

Ang resulta? Labing-apat (14) na lechonan ang agad pinadalhan ng Temporary Closure Order ng Quezon City Business Permits and Licensing Department (BPLD) noong Miyerkules ng gabi, November 12, base rin sa rekomendasyon ng BAI, CVD, at City Health Department (CHD).

Baka Bet Mo: QC opisyal nang kinilala bilang UNESCO Creative City of Film!

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FQCGov%2Fposts%2Fpfbid0p7fZhUDFMhAXgHstaWWGGEFJfvch7ghts8v8pdKnSYksPZgxKz4EJJcobqaRv9YLl&show_text=true&width=500" width="500" height="737" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Tinitiyak ng Quezon City government na nananatiling isolated ang ASF sa lugar at walang banta ng nasabing sakit sa iba pang pamilihan sa lungsod. 

Huwag rin kayo mag-alala mga ka-BANDERA, hindi naipapasa sa tao ang ASF virus.

Nabanggit din ng LGU na sinimulan na ang masinsinang disinfection sa apektadong bahagi ng La Loma.

Naglagay rin ng checkpoints para bantayan ang galaw ng mga baboy papasok at palabas ng area.

Huwebes ng umaga, November 13, agad na nag-diyalogo ang City Hall at mga negosyanteng tinamaan ng closure para plantsahin ang mga isyu sa kalusugan, kaligtasan, at operasyon ng lechonan. 

Tiniyak din ng QC government na tinutulungan na nila ang mga negosyante para masunod ang health and safety protocols at makapagbenta ulit ng de-kalidad na pagkain sa publiko.

Sa huli, panawagan pa ng LGU sa publiko: mag-cooperate, maging mapanuri, at unahin ang kalinisan at kaligtasan para sa kapakanan ng lahat ng mamimili.

The post 14 lechonan sa La Loma ipinasara ng QC LGU, ilang baboy positibo sa ASF appeared first on Bandera.


14 lechonan sa La Loma ipinasara ng QC LGU, ilang baboy positibo sa ASF 14 lechonan sa La Loma ipinasara ng QC LGU, ilang baboy positibo sa ASF Reviewed by pinoyako on November 13, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close