BREAKING NEWS

Kylie Padilla: ‘Pwede nang mag-date ang magkakapatid na hindi nagtatago!’

Kylie Padilla: 'Pwede nang mag-date ang magkakapatid na hindi nagtatago!'
PHOTO: Facebook/Kylie Padilla

MULING naglabas ng pahayag si Kylie Padilla matapos ang naging tell-all interview ni AJ Raval, kasama ang King of Talk na si Boy Abunda.

Nagpadala ng exclusive statement si Kylie sa programang "Fast Talk with Boy Abunda" upang ibandera ang todo-suporta niya sa naging tapang ni AJ bilang ina, lalo na sa pag-amin nito tungkol sa mga anak nila ni Aljur Abrenica.

"I'm happy that as a mother, AJ feels a sense of freedom for her children. That was very brave and courageous of her. I'm proud as a mother too. I know that was the right thing for her to do," sey ni Kylie.

Chika pa niya, "It's true, sobrang mahal ng mga anak ko ang mga kapatid nila and that means to me and to us as their parents. Labas na ang mga issues namin dun."

Baka Bet Mo: Kylie Padilla hinangaan ng netizen: Ibang level ng maturity mo!

"I hope we all find peace and that we also give AJ some empathy," panawagan ng ex-wife ni Aljur.

Aniya pa, "Pwede na sila mag-date magkakapatid nang hindi nagtatago."

Magugunitang ibinunyag ni AJ na may limang anak na siya, kung saan ang kanyang panganay mula sa dating relasyon, isa pang anak na pumanaw na, at tatlo namang anak nila ni Aljur na sina Aikina, Junior, at Abraham.

Inamin din ni AJ na isa sa mga dahilan ng paglayo niya sa limelight ay ang matinding pamba-bash na natanggap niya online. 

Ngunit ngayon, handa na raw siyang bumalik sa trabaho at muling harapin ang showbiz.

Bago ang exclusive statement ni Kylie, nauna na siyang naglabas ng maikling pahayag at sinabing matagal na niyang alam ang sitwasyon, ngunit pinili nilang unahin ang kapakanan ng mga bata.

"Ito lang po comment ko para matapos na," saad pa niya.

Dagdag pa niya, mahal na mahal daw ng mga anak niya ang kanilang mga kapatid at wala na raw dapat pag-usapan pa tungkol doon.

The post Kylie Padilla: 'Pwede nang mag-date ang magkakapatid na hindi nagtatago!' appeared first on Bandera.


Kylie Padilla: ‘Pwede nang mag-date ang magkakapatid na hindi nagtatago!’ Kylie Padilla: ‘Pwede nang mag-date ang magkakapatid na hindi nagtatago!’ Reviewed by pinoyako on November 14, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close