BREAKING NEWS

Natalie Puskinova ng Czech Republic kinoronahan bilang Miss Earth 2025

Natalie Puskinova ng Czech Republic, kinoronahan bilang Miss Earth 2025

NASUNGKIT ni Natalie Puskinova mula sa Czech Republic ang korona bilang pinakabagong Miss Earth 2025.

Pinalitan niya sa pwesto si Jessica Lane ng Australia, na nag-turn over ng titulo sa pagtatapos ng ika-25 koronasyon ng Miss Earth na ginanap sa Cove Manila club ng Okada Manila sa Parañaque City noong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 5.

Tinalo ni Puskinova ang 81 kandidata sa ika-25 edisyon ng Philippine-based pageant, na naka-livestream sa Facebook at YouTube para mapanood ng mga manonood sa buong mundo.

Kasama ni Puskinova sa tinaguriang mga "elemental queens" sina Miss Earth Air 2025 Soldis Ivarsdottir (Iceland), Miss Earth Water 2025 Mu Anh Trinh (Vietnam), at Miss Earth Fire 2025 Waree Ngamkham (Thailand).

Baka Bet Mo: Nawat Itsaragrisil nag-sorry kay Miss Universe Mexico 2025 Fatima Bosch

Samantala, ang pambato ng Pilipinas na si Joy Barcoma ay nagtapos bilang isa sa apat na runners-up ng kompetisyon.

Layunin ni Barcoma na makamit ang ikalimang korona ng Miss Earth para sa bansa, kasunod ng mga naunang panalo nina Karen Ibasco (2017), Angelia Ong (2015), Jamie Herrell (2014), at Karla Henry (2008).

Ibinigay ni Ibasco ang runner-up sashes kina Barcoma, Nathalie Briones ng Chile, Laila Frizon ng Brazil, at Mariia Zheliaskova ng Ukraine.

Si Barcoma, isang 26-taóng-gulang na host at government consultant mula sa Bacoor, ay winagayway ang suporta ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang katatawanan, talino, at taos-pusong pagmamahal sa bansa at sa kalikasan.

The post Natalie Puskinova ng Czech Republic kinoronahan bilang Miss Earth 2025 appeared first on Bandera.


Natalie Puskinova ng Czech Republic kinoronahan bilang Miss Earth 2025 Natalie Puskinova ng Czech Republic kinoronahan bilang Miss Earth 2025 Reviewed by pinoyako on November 05, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close