Kobe Paras ibinandera sikreto sa pagtangkad, panay ang ‘lulu’?

ALIW ang mga netizens sa isiniwalat ng basketbolistang si Kobe Paras tungkol sa itinatagong sikreto sa kanyang height.
Isang content creator na si "Cruisers" ang nagtanong sa binata kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakaroon ng perfect height.
Wala namang pag-aalinlangang sinagot ni Kobe ang tanong at sinabing, "Growie, Cherifer," at J***l."
Ang mga una at pangalawang brands na sinabi ng basketbolista ay mga vitamin supplements na ibinibigay sa mga bata para makatulong sa paglaki at pagpapalakas ng katawan.
Baka Bet Mo: Kobe Paras pinayuhan ni Jackie Forster: 'Protect that peace'
Bagamat October 1 pa nailabas ang video ay nagiging usap-usapan ito ulit matapos ma-quote si Kobe at magawan ng artcard ng isang entertainment site.
Narito ang mga komento ng netizens sa naturang pahayag ng basketbolista.
"Kobe P seems to be a chill dude," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, ""Baka need mo ng hehelp sa'yo sa J haha."
"Parang masarap na tropa si Kobe. Lol," hirit pa ng isa.
Well, tulad ng basketbolista ay marami rin sa mga madlang pipol ang naniniwalang nakakatangkad ang pagma-masturbate.
Ngunit wala naman itong kumpirmasyon mula sa mga eksperto kung tunay ba itong nakatatangkad.
The post Kobe Paras ibinandera sikreto sa pagtangkad, panay ang 'lulu'? appeared first on Bandera.

No comments: