Ellen Adarna type ma-interview ni Melai, anu-ano ang mga pasabog na tanong?

WISH ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros na maging guest ang dating sexy star na si Ellen Adarna sa kanyang online Bisaya talk show na "Kuan on One."
Curious daw kasing malaman ang komedyana kung kumusta na si Ellen sa gitna ng mga kinasasangkutan nitong kontrobersiya about her personal life.
Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang piling miyembro ng entertainment media si Melai sa presscon para sa mas pinabonggang 4th season ng "Kuan On One" na napapanood sa Kapamilya Channel at iWant.
Isa nga sa mga natanong sa kuwelang TV host ay kung sinu-sino pa ang gusto niyang mag-guest sa kanyang digital show at isa nga sa nabanggit niya ay si Ellen Adarna na paboritong pinagtsitsismisan ngayon ng mga Marites dahil sa kontrobersyal na hiwalayan nila ni Derek Ramsay.
Kung sakali, ano ang mga itatanong niya kay Ellen? "Ang question ko talaga sa kanya, 'how are you? how are you now?' Kasi 'di ba sa mga pinagdaraanan niya, kumusta siya?
"As a mom, tatanungin talaga natin paano niya nalalampasan, o nalagpasan na ba niya? Meron ba siyang mga tips? Paano mo rin ba nakayanan o makakayanan? So how are you?
"Siyempre kung bibigyan tayo ng chance na makausap siya o matanong, kasi at the end of the day, wala tayong kinalaman sa kanilang relasyon.
"At the end of the day may sarili pa rin tayong karelasyon at meron din tayong sariling problema sa ating mga karelasyon," sey pa ni Melai.
Dagdag pa niya, "Be respectful, kasi siya ang nag-divulge. Hayaan natin siya na mag-open up, o pag hindi siya nag-open up, 'di open-close. Ganu'n lang naman, simple lang."
Bukod kay Ellen, gusto uling makatsikahan ni Melai si Kim Chiu na nag-guest na sa kanya sa nakaraang season ng "Kuan On One", ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao at ang palaban at matapang na nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez na si Annabelle Rama.
The post Ellen Adarna type ma-interview ni Melai, anu-ano ang mga pasabog na tanong? appeared first on Bandera.

No comments: