BREAKING NEWS

Rhen Escaño niloko nang harap-harapan: Kung mahal mo ko, dapat ako lang

Rhen Escaño niloko nang harap-harapan: Kung mahal mo ko, dapat ako lang
Nathalie Hart, Albie Casino at Rhen Escaño

NARANASAN na rin ng aktres na si Rhen Escaño na maloko ng lalaki kaya naman mas naging choosy at maingat na siya sa pakikipagrelasyon.

Inamin ni Rhen na na-experience na niya ang harap-harapang niloloko kaya alam na niya ang totoong pakiramdam ng taong biktima ng cheating. 

Sa presscon ng "Akin Ka Lang", ang upcoming vertical microdrama na mapapanood sa pinakabagong streaming platform na Viva Movie Box, napag-usapan nga ang tungkol sa cheating.

Dahil nga mainit ang isyu tungkol sa breakup ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay na sinasabing nag-ugat sa pagtataksil umano ng aktor, natanong si Rhen kung kaya pa ba niyang patawarin ang isang cheating partner.

"Honestly, napagdaanan ko po before na kahit harap-harapan kang niloloko ng isang tao, nandoon ka pa rin sa part na 'Baka magbago, bigyan natin ng chance.' pero narealize ko during that time na 'di pala dapat ganon," diresahang sagot ng aktres.

"In the first place, hindi niya nakita talaga 'yong worth mo kaya siya napunta sa part na kinaya niyang gawin sa 'yo 'yon. Nandoon ako sa part na kung lolokohin ka ng isang tao, ibig sabihin hindi ka niya ganu'n kamahal.

"So paano ko siya bibigyan ng second chance? Para mas maparamdam niya sa 'yo na hindi ka talaga kamahal-mahal? Na kaya niyang maghanap ng iba kahit nandiyan ka na binibigay mo lang naman ang 100-percent mo?" ang punto pa niya.

"Ako, sa personal, hindi ganu'n 'yong worth na nakita ko sa sarili ko. Kung mahal mo ko, dapat ako lang. So, no, hindi ko bibigyan ng chance 'yong taong kayang magloko, kayang manakit, na kaya kang ipagpalit. 

"For me, kapag mahal mo, mahal mo dapat siya. Kung hindi, then let go and I know my worth," aniya pa.

Ano naman ang maibibigay niyang advice sa mga biktima ng cheaters? "Girl, you don't deserve that. Hindi mo deserve 'yan. 

"Walang may deserve 'yan. Mas mahalin mo ang sarili mo, mas alagaan mo 'yong sarili mo, at darating ang tamang tao para sa'yo at hindi niya ipaparamdam sa 'yo na kukuwestyunin mo 'yong worth mo, 'yong pagkatao mo.

"Darating 'yong araw na makikita mo din kung bakit nangyari sa'yo 'yon, siguro may kailangan mo lang matutunan along the way.

"I really believe na kung ano 'yong ina-allow mo sa self mo na mangyari sa'yo, 'yun din 'yong mga na-a-attract mo. 

"So, you have to level up, you have to really love yourself and focus yourself para mas high value men 'yong maa-attract mo rin and hindi ka na mapupunta sa sitwasyon na kailangan masaktan ka pa para may matutunan ka.

"Ikaw dapat 'yong maging lesson sa mga tao na 'yon na 'This is my worth!' so hindi dapat tayo nagpapaloko at kung ayaw mong lokohin ka, you really have to love and know your worth," litanya ni Rhen.

Samantala, mag-binge watch na ng iba't ibang exciting kwento sa Viva Movie Box, the ang home of the best Pinoy microdrama. Ito ang pinakabagong vertical streaming platform mula sa Viva na ginawa para sa mas mabilis at on-the-go na panonood. 

Sa format na ito, ang full-length movies ay magiging "microdramas"—isang serye na may 1-3 minutong episodes.

Iba't ibang genre ang mapapanood mula romance, family drama, stylized camp, at adult-themed stories. 

Kasama sa unang lineup ng Viva Movie Box ang "Akin Ka Lang", "Elisa: Batang Kabit," at "Maid for Revenge."

Sa mga bagong labas na micro dramas, nangunguna sa ngayon ang "Akin Ka Lang" na pinagbibidahan nga nina Rhen as Kendra, Nathalie Hart bilang Clea at Albie Casiño bilang Alfred. Ito'y mula sa direksyon ni Christian Paolo Lat. 

Nagagalak ang bagong kasal na sina Clea at Alfred na nagsisimula na silang bumuo ng pamilya ngayong buntis na si Clea. Maging ang ina ni Alfred na si Martha (Shirley Fuentes) ay tuwang-tuwa at nagiging malapit na kay Clea dahil ang dinadala nitong sanggol ang maaaring makakuha ng mana mula sa yumaong ama ni Alfred. 

Pero hindi pa man nagtatagal ang pagiging malapit ng mag-biyenan, biglang nakunan si Clea at hindi na muling magkakaanak. 

Dahil sa mana pa rin ang nasa isip ni Martha, pipilitin nitong kunin nila si Kendra, ang ex-girlfriend ni Alfred bilang surrogate. 

Sa pagpasok ni Kendra sa kanilang buhay, kailangan pa bang ipagdiinan ni Clea kay Alfred ang mga katagang, "Akin Ka Lang"?

The post Rhen Escaño niloko nang harap-harapan: Kung mahal mo ko, dapat ako lang appeared first on Bandera.


Rhen Escaño niloko nang harap-harapan: Kung mahal mo ko, dapat ako lang Rhen Escaño niloko nang harap-harapan: Kung mahal mo ko, dapat ako lang Reviewed by pinoyako on November 22, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close