Tulfo Bros. pinakamayaman, Chiz pinakamahirap base sa SALN ng mga senador

BASE sa isinapublikong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), pinakamayaman na miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso si Senator Raffy Tulfo at pinakamahirap naman si Senator Francis "Chiz" Escudero.
Si Tulfo ay may kabuuang net worth na higit P1 bilyon, samantalang higit P18 milyon lamang ang iniulat na net worth ni Escudero.
Gayunpaman, hindi pa isinapubliko ng magkapatid na Sens. Mark at Camille Villar ang kanilang SALN. Sila ang inaasahan na pinakamayan sa mga senasdor.
Pangalawa naman sa pinakamayaman sa 17 na senador na nagsumite ng SALN, ang bagitong si Sen. Erwin Tulfo sa idineklara niyang higit P497 million na net worth at kasunod niya si Majority Leader Juan MIguel Zubiri na nagdeklara ng P431.78 million na net worth.
Baka Bet Mo: Boying Remulla sa pagpa-public ng SALN: Dapat lang!
Nasa ika-apat naman sa pinakmayaman si Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" Lacson na nagdeklara ng P244.94 million net worth at ika-lima si Sen. Robin Padilla na nagdeklara ng P244.04 million.
Sumunod sa kanila sina Sen. Lito Lapid (P202.04-M); Senate President Vicente Sotto (P188.87-M) Sens. JV Ejercito (P137.08-M); Pia Cayetano (P128.29-M); Sherwin Gatchalian (P89.52-M); Bam Aquino (P86.55-M); Loren Legarda (P79.21-M); Joel Villanueva (P49.50-M); .Francis Pangilinan (P26.73-M) at Risa Hontiveros (P18.9-M).
Bukod sa magkapatid na Villar hindi pa rin isinapubliko nina Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sens. Bato dela Rosa, Jinggoy Estrada, Bong Go. Rodante Marcoleta, at Imee Marcos ang kanilang SALN.
The post Tulfo Bros. pinakamayaman, Chiz pinakamahirap base sa SALN ng mga senador appeared first on Bandera.

No comments: