BREAKING NEWS

Isko Moreno pabor na ibalik sa LGU ang classroom building

Isko Moreno pabor na ibalik sa LGU ang classroom building

NAPABILANG na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa higit 300 lokal na opisyal sa bansa na sumusuporta sa Classroom-Building Acceleration Program ni Senator Bam Aquino.

Sinang-ayunan ng alkalde ang katuwiran na ang panukalang-batas ang magpapabilis ng pagpapatayo ng mga silid-paaralan.

Baka Bet Mo: Isko Moreno nagbabala, hindi kukunsintihin manggugulo sa Maynila 

"Ang mga local official ay direktang pinapanagot ng mga mamamayan sa kanilang mga desisyon, aksyon o kapabayaan. Kaya naman mabilis ang kanilang mga pagkilos," sabi ng alkalde.

Bago ito, sinuportahan ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 121 ni League of Municipalities of the Philippines (LMP) National President at Echague Mayor Inno Dy, Naga City Mayor Leni Robredo, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Marikina Mayor Maan Teodoro, Iloilo City Mayor Raisa Trenas, Tampakan Mayor Leonard Escobillo, Infanta, Quezon Mayor LA Ruanto, at Akbayan Partylist Reps. Chel Diokno at Perci Cendana.

Layon ng panukala na magkaroon ng aktibong bahagi ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor sa pagtutuldok sa isyu ng "classroom backlog" sa bansa.

Maging si Public Works and Highways Sec. Vince Dizon ay suportado ang panukalang-batas ni Aquino.

The post Isko Moreno pabor na ibalik sa LGU ang classroom building appeared first on Bandera.


Isko Moreno pabor na ibalik sa LGU ang classroom building Isko Moreno pabor na ibalik sa LGU ang classroom building Reviewed by pinoyako on October 28, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close