BREAKING NEWS

DFA sa isyu ni Gretchen Ho sa Oslo forex: ‘FATF grey list is outdated!’

DFA sa isyu ni Gretchen Ho sa Oslo forex: 'FATF grey list is outdated!'
PHOTO: Facebook/Gretchen Ho

OUTDATED o luma na ang listahang ginagamit ng isang foreign exchange counter sa Oslo, Norway.

Ito ang ibinunyag ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos tanggihan ang ina ng TV host at dating volleyball star na si Gretchen Ho na magpapalit ng US dollars.

Sa isang social media post kamakailan, ikinuwento ni Gretchen na na-deny ang kanyang nanay nang tangkain nitong magpalit ng dolyar sa Gardermoen Airport sa Oslo.

Sa inilabas na pahayag ng DFA nitong Huwebes, October 9, kinumpirma ng ahensiya na ang foreign exchange stall sa Oslo airport ay gumagamit pa ng lumang listahan kung saan kasama pa rin ang Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) grey list.

Baka Bet Mo: Gretchen Ho umalma matapos ma-deny ang kamag-anak sa money exchange sa Oslo

"It was found out that the forex stall at Oslo airport is following an outdated list which still includes the Philippines in the Financial Action Task Force grey list," ayon sa DFA.

Matatandaang noon pang February 2025 nang alisin ang ating bansa sa FATF grey list, habang August 2025 naman nang matanggal sa European Union (EU) grey list.

Para sa mga hindi aware, ang FATF grey list ay tumutukoy sa mga bansang may kakulangan sa pagpapatupad ng mga batas kontra sa money laundering at terorismo.

Ito ang listahan na nagpapatunay sa commitment ng gobyerno laban sa korapsyon at iba pang financial crimes.

Dagdag pa ng DFA, nangako ang Norwegian Foreign Ministry na makikipag-ugnayan sa Financial Supervisory Authority of Norway upang agad na ma-update at matanggal ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang itinuturing na "high risk" pagdating sa money laundering o terrorist financing.

Samantala, humaharap din ngayong taon ang Pilipinas sa panibagong iskandalong korapsyon na kinasasangkutan umano ng bilyon-bilyong piso mula sa pondong nakalaan para sa flood control projects.

The post DFA sa isyu ni Gretchen Ho sa Oslo forex: 'FATF grey list is outdated!' appeared first on Bandera.


DFA sa isyu ni Gretchen Ho sa Oslo forex: ‘FATF grey list is outdated!’ DFA sa isyu ni Gretchen Ho sa Oslo forex: ‘FATF grey list is outdated!’ Reviewed by pinoyako on October 09, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close