BREAKING NEWS

Trillion-Peso March ikakasa tuwing Biyernes; PH-wide rally sa Nov. 30

Trillion-Peso March aarangkada tuwing Biyernes; PH-wide rally sa Nov. 30
INQUIRER photo

TULOY-TULOY na ang kilos-protesta laban sa korapsyon na ilulunsad ng Trillion-Peso March movement simula ngayong araw, October 10, bilang paghahanda sa nationwide rally sa November 30.

Ayon sa organizers, sabay-sabay na isasagawa tuwing Biyernes ang mga mass action sa mga paaralan, opisina, simbahan, at iba't ibang komunidad. 

Kabilang sa mga aktibidad ang noise barrage, candle lighting, at mga pagtitipon sa mga itinakdang lugar.

Magkakaroon din ng Misa sa EDSA Shrine at sa iba't ibang lungsod sa bansa bilang bahagi ng serye ng mga kilos-protesta.

Baka Bet Mo: Malacañang: Mga kriminal ang naghasik ng karahasan sa kilos-protesta

Hinikayat ng grupo ang publiko na magdala ng kandila, plakard, at mga gamit na maingay gaya ng pito, torotot, kaldero, at kawali sa mga protesta.

Ang Trillion-Peso March movement, na pinangungunahan ng Church Leaders Council for National Transformation at suportado ng mahigit 80 civil groups, ay tinawag ang kanilang kampanya bilang isang "moral struggle" laban sa korapsyon.

"We stand at critical moral and national crossroads. Trillions of pesos—meant for health, education, and disaster response—have been plundered,"  ayon sa pahayag ng grupo sa kanilang Facebook post.

Anila, "Every stolen peso dims a future, endangers a life, and betrays our people. This is not just a political crisis; it is a profound moral failure."

Panawagan pa nila sa madlang pipol, "Join us in daily acts of solidarity: wear a white ribbon; put a white flag in your house, car, and churches; ring the bells and hold a noise barrage; light candles at 8 p.m. and [observe] the National Day of Prayer and Public Repentance."

Ang November 30 rally, na kasabay din ng paggunita sa Bonifacio Day, ang inaasahang magiging pinakamalaking pagtitipon ng kilusan. 

Mahigit 100 grupo umano ang lalahok sa naturang pambansang pagkilos.

Nagsimula ang kilusan mula sa "Trillion-Peso March" na ginanap noong September 21 sa People Power Monument, isang protesta laban sa umano'y malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Ang naturang kilos-protesta ay bunsod ng mga pagdinig sa Kongreso kung saan lumabas na ilang opisyal at mambabatas umano ay nakipagsabwatan sa mga contractor para ibulsa ang bilyon-bilyong pondo para sana sa mga flood control project na kalauna'y nadiskubreng hindi umiiral o substandard.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang mga alegasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na binuo ni Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) chair Teodoro "Teddy" Casiño sa isang panayam na may mga plano pang isagawa ang isa pang malaking anti-corruption rally ngayong buwan.

"There are suggestions that aside from the one on Nov. 30, another big centralized rally should also be held this month. So these are the things that are being discussed now. The various sectors are also preparing their own mass actions, which we are encouraging because of what we are seeing," sey ni Casiño na iniulat ng INQUIRER.

The post Trillion-Peso March ikakasa tuwing Biyernes; PH-wide rally sa Nov. 30 appeared first on Bandera.


Trillion-Peso March ikakasa tuwing Biyernes; PH-wide rally sa Nov. 30 Trillion-Peso March ikakasa tuwing Biyernes; PH-wide rally sa Nov. 30 Reviewed by pinoyako on October 09, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close