Lovi Poe buntis na sa first baby nila ni Monty Blencowe

BUNTIS na ang actress-singer na si Lovi Poe sa first baby nila ng kanyang asawang film producer na si Montgomery Blencowe.
Ibinandera ng award-winning actress ang pagdadaang-tao sa pamamagitan ng kanyang pictorial para sa isang sikat na clothing brand na kanyang ineendorso.
Sa naturang photo na in-upload sa social media page ng naturang brand ay kitang-kita ang baby bump ni Lovi.
"This is what it means to truly Love Your Body—inside and out," ang mababasa sa caption ng Instagram post na naka-tag sa kanya.
Ito ang unang pagkakataon na inilantad ni Lovi sa publiko ang kanyang pagbubuntis kaya naman maghalong pagkabigla at excitement ang naramdaman ng kanyang fans and supporters.
Ikinagulat din ng ilang kasamahan sa showbiz ang kanyang pregnancy. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.
"I had a feeling!! I could already tell from your posts!! I'm so happy for you!! Congratulations. Becoming a mom is such a beautiful, life-changing journey, and I know you're going to be an amazing one!!" ang pagbati ng Kapuso actress na si Kris Bernal.
"Waaaah congratulations @lovipoe!" sey ni Zeinab Harake.
Pagbati ni Carla Abellana, "Congratulations, Lovi! (3 heart emoji)."
"Finally! So happy for you and @montyblencowe!" post ni Benjamin Alves.
Unang nagpakasal sina Lovi at Montgomery o Monty noong August 8, 2023, sa pamamagitan ng isang civil ceremony na sinundan ng super romantic wedding sa historic Cliveden House sa United Kingdom noong August 26, 2023.
Nag-celebrate ng kanilang second wedding anniversary ang mag-asawa nitong magdaang buwan. Nag-post si Lovi sa Instagram ng photos nila ni Monty na kuha sa kanilang intimate civil wedding sa Copenhagen.
"2 years of joy, playful banter, and heartfelt truths. Happy anniversary, my love. You're my favorite person to do nothing—and everything—with," ang caption ni Lovi.
The post Lovi Poe buntis na sa first baby nila ni Monty Blencowe appeared first on Bandera.

No comments: