2026 flood-control control projects fund pinatatapyasan ni Chiz ng P250-B

PINABABAWASAN ni Senate President Francis "Chiz" Escudero ang pondo para sa flood-control projects sa susunod na taon.
Sinabi ni Escudero, P250.8 bilyon ang dapat maalis sa P881.3 bilyong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aniya ang halaga ng matatapyas na pondo ng DPWH ay nararapat na ilipat para sa mga programang pang-kalusugan, pang-edukasyon at produksyon ng pagkain.
Ipinunto ni Escudero na ang pondo ng DPWH sa flood-control projects ay 20 ulis na mas mataas kumpara sa alokasyon sa pagpapagawa ng mga paaralan.
Ipinaliwanag pa ng senador na may basehan ang kanyang "budget cut proposal" dahil ang Asian Development Bank (ADB) ang magpopondo sa flood-control master plan.
Dagdag pa niya, kung masusunod ang kanyang nais mababawasan din ang halaga na mapapakinabangan lamang ng mga tiwali at kurakot.
The post 2026 flood-control control projects fund pinatatapyasan ni Chiz ng P250-B appeared first on Bandera.
No comments: