Discaya ibinulgar mga gov’t official na kumotong sa flood control projects

IBINUNYAG na ng contractor na si Pacifico "Curlee" Discaya II ang ilang kongresista at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano'y nanghingi ng pera kapalit ng pagkapanalo sa mga proyekto ng gobyerno.
Sa ikatlong pagdinig ng Senate blue ribbon panel hinggil sa umano'y maanomalyang flood control projects nitong Lunes, September 8, isa-isang pinangalanan ni Discaya ang mga sangkot.
Narito ang listahan ng mga binanggit na pangalan:
- Terrence Calatrava, dating Undersecretary ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas
- Cong. Roman Romulo ng Pasig
- Cong. Jojo Ang ng Uswag Ilonggo Partylist
- Cong. Patrick Michael Vargas ng Quezon City
- Cong. Juan Carlos "Arjo" Atayde ng Quezon City
- Cong. Nicanor Briones ng AGAP Partylist
- Cong. Marcy Teodoro ng Marikina
- Cong. Florida Robes ng San Jose del Monte, Bulacan
- Cong. Eleandro Jesus Madrona ng Romblon
- Cong. Benjamin Agarao Jr.
- Cong. Florencio Noel ng An-Waray Partylist
- Cong. Reynante Arrogancia ng Quezon
- Cong. Marvin Rillo ng Quezon City
- Cong. Leody Tarriela
- Cong. Teodoro Haresco ng Aklan
- Cong. Antonieta Eudela ng Zamboanga Sibugay
- Cong. Dean Asistio ng Caloocan
- Cong. Marivic Co-Pilar ng Quezon City
Paliwanag ni Discaya na iniulat ng INQUIRER, "We had no choice because if we didn't cooperate, they would create problems for the project awarded to us through mutual termination or right-of-way issues, both of which would prevent the project from being implemented. After we won the bidding, some DPWH officials approached us to ask for and take their share of the project amount."
Dagdag pa niya, "The percentage they demanded ranged from no less than 10% and went up to 25%, which became a condition to ensure the contract's implementation would not be hindered."
Hindi lang daw mga kongresista kundi pati ilang matataas na opisyal ng DPWH ang sangkot sa raket.
Ayon kay Discaya, kabilang dito sina:
- Regional Director Eduarte Virgilio ng DPWH Region 5
- Director Ramon Arriola III ng Unified Project Management Offices (UPMO)
- District Engineer Henry Alcantara ng DPWH Bulacan 1st
- Undersecretary Robert Bernardo
- District Engineer Aristotle Ramos ng DPWH Metro Manila 1st
- District Engineer Manny Bulusan ng DPWH North Manila DEO
- District Engineer Edgargo Pingol ng DPWH Bulacan sub-DEO
- District Engineer Michael Rosaria ng DPWH Quezon 2nd DEO
Ani Discaya, "Most of the DPWH officials mentioned repeatedly stated that the money should be delivered to Zaldy Co, and it should be at least 25 percent. As for Cong. Marvin Rillo, he mentioned several times the name of Speaker Martin Romualdez as his close friend."
The post Discaya ibinulgar mga gov't official na kumotong sa flood control projects appeared first on Bandera.
No comments: