1,000 nalibing ng buhay sa landslide sa Sudan

HUMIGIT kumulang 1,000 na katao ang nasawi nang matabunan ng gumuhong lupa ang isang buong komunidad sa Darfur, Sudan noong Linggo.
Sa inilabas na pahayag ng Sudan Liberation Movement – Army, natabunan ng lupa ang buong Tarasin Village, na nasa Marra Mountain.
Ang ilang araw na pagbuhos ng malakas na ulan noong Agosto ang itinuturong dahilan ng pagguho ng lupa.
Baka Bet Mo: Magkapatid patay, ina sugatan sa landslide
Base pa rin sa pahayag, hinihinala na walang nabuhay na residente ng lugar sa trahedya.
Umapila na ng tulong ang rebeldeng grupo sa United Nations at iba pang international aid groups.
Napaulat na malaking hamon at delikado ang pagbiyahe sa naturang bundok dahil sa mga engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at ng mga rebelde.
Ang lugar ng trahedya ay naging relokasyon ng mga lumikas dahil sa pangamba na maipit sa digmaan.
The post 1,000 nalibing ng buhay sa landslide sa Sudan appeared first on Bandera.

No comments: