Angel Locsin magbabalik-showbiz na nga ba? May sagot si Neil Arce!

NAGBIGAY ng update si Neil Arce tungkol sa mga kaganapan ngayon sa buhay ng kanyang asawang si Angel Locsin.
Knows n'yo ba na kahit daw siya ay never nagtanong sa award-winning Kapamilya actress kung kailan nito balak bumalik sa mundo ng showbiz?
Na-excite ang mga fans ni Angel nang mag-post siya sa Instagram story kamakailan para ibandera sa madlang pipol ang pagsuporta niya sa anak ni Neil na si Joaquin Arce.
Pumirma na kasi si Joaquin ng kontrata sa Star Magic at sinabi nga ni Angel sa kanyang IG post na excited siyang makatrabaho ang stepson sa pagbabalik niya sa akting.
Present si Neil sa contract signing ng anak sa Star Magic at sa panayam sa kanya ng ABS-CBN at natanong nga siya kung mapapanood na ba uli sa telebisyon at pelikula si Angel?
"I haven't asked her. I never ask her when she wants to come back," ang simulang sagot ni Neil.
Nang matanong kung bakit, "'Cause I know that she is a strong independent woman, I married an alpha queen, and I respect that.
"Kung ano ang gusto niyang gawin, as long as nasa tama, she has my support," pahayag pa ni Neil sa naturang interview.
Ayon pa kay Neil, ine-enjoy daw ngayon ng kanyang misis ang pagiging gamer, "I think everyone knows that she's into gaming.
"She's taking online classes, and she's enjoying herself.
"And we all know her dad just passed away. She's taking her time. I'm giving her own space to adjust to everything that has happened," aniya pa.
Nang sundutin ng question tungkol sa online classes, sey ni Neil, "Sorry pero hindi ko rin maintindihan kasi it's about gaming. Hindi ako gamer."
Dagdag ng mister ni Angel, "Basta happy siya. I always ask her, 'are you happy?' and alam ko naman kung totoo o hindi, and sabi niya happy naman siya."
Kahit naman daw siya ay excited sa pagbabalik ng asawa sa telebisyon at pelikula, "I'm her husband, lover, everything and I'm also a fan.
"Deep inside, of course, I miss her on the screen. Pero nangunguna 'yung pagka-husband eh, kung saan ka masaya," aniya pa.
The post Angel Locsin magbabalik-showbiz na nga ba? May sagot si Neil Arce! appeared first on Bandera.

No comments: