Shopee at Lazada trending ngayon sa Twitter dahil kay Toni G at Andrew E.
Ipinakilala ng online shopping app na "Shopee" ang bago nilang endorser, ang aktres at tv host na si Toni Gonzaga na inanunsyo nito lamang September.
Marami ang bumatikos sa anunsyo nito ng online shopping app, bukod kasi sa pagkuha ng bagong endorser ay mayroon palang problema ang nasabing kumpanya, dahil kamakailan ay nagbawas daw ito ng mga empleyado.
Nagtrending sa twitter ang pag ka cancel sa Shopee at lumipat na lamang sa Lazada, dahil sa ilang political matters. Ilang mga netizen at mga artista ang nag pakita ng pag uninstall nila ng kanilang Shopee account.
Matatandaang na sinusuportahan ni Toni Gonzaga ang bagong upong presidente na si PBBM, at dahil nga dito ay nakatanggap ng kaliwa't kanang batikos ang aktres mula sa mga kapwa at netizen na kampi sa kabilang panig.
Hindi na rin bago kay Toni, ang pagka "Cancel Culture" sa kanya ng mga tinatawag na "kakampink", tinatawanan lamang niya ito at pinagpapasalamat.
Dahil nga sa mga isyu ng Shopee ngayon, bigla naman ang pag angat ng online shopping app na Lazada. Ayon sa ibang netizen ay naging free publicity at free marketing strategy raw ito ng Lazada.
Kumalat rin sa social media na ang kukunin naman daw na endorser ng Lazada ay si Andrew E, ngunit pinabulaanan nila ito, wala raw opisyal na announcement ang Lazada app tungkol sa pagkakaroon ng bagong endorser.
Source: Noypi Ako
Shopee at Lazada trending ngayon sa Twitter dahil kay Toni G at Andrew E.
Reviewed by pinoyako
on
October 01, 2022
Rating:
No comments: