BREAKING NEWS

Ibinida Ang Kakaibang Portfolio Na Ito Ng Isang Estudyante | RIP School Works



Kinaaliwan at kinabiliban ng mga netizen ang isang Facebook post, na may kakaibang ideya at design ng portfolio ng isang estudyante.

Ang proyektong ito ay mula kay Yokozhi Janairo at inupload ng kanyang kapatid na si Michiko Janairo sa kanyang Facebook Account, na agad namang nag viral at pumatok sa mga netizen.


Ang design kasi ng kanyang portfolio ay isang maliit na kabaong, sinabi ng kanilang guro sa Physical Education na dapat gawa sa mga recycled materials ang gagawin nilang portfolio. Gawa ito sa karton na binalutan ng puting papel. Nilagyan rin ito ng gold ribbon at handle ng tulad sa totoong kabaong.

Ang portfolio kasing ito ay paglalagyan ng kanilang mga outputs, quiezzes, at activities na kailangan nilang ipunin para sa kanilang grado pag end ng grading period, binansagan nga ito ng mga netizen na "RIP School Work".

“Naisipan po ng aking kapatid na gawing portfolio ang kabaong style dahil ang mga gawain sa school ay nagbibigay stress sakanya at mga kapwa nya mag-aaral kaya gusto nya nang pagpahingahin ang mga ito,” saad ng uploader.

Naging inspirasyon rin daw nito ang nagtrending na #NoBagChallenge na kabaong ang nagsilbing bag.

Ikinatuwa ito ng kanyang mga kamag aral pati na rin ng kanyang guro ng makita ang gawa ni Janairo, pabirong sinabi na nakakapanindig-balahibo  naman ang mag-check ng kanyang proyektong kabaong portfolio.



Narito ang ilan sa mga komento ng mga natuwa at naaliw na netizen

''Apaka lupit ahahahah''

''napapanahon yan besh. lapit na halloween''

''HAHAHHAHAHA napasaya po ng kapatid nyo yung gabi ko!''

''Plus one or minus sa langit? Charot HAHAHA cute''
''Sobrang creative naman!!! HAHAHAHAHA''

''Nakakatakot naman icheck yan! HAHAAHAHHAH''

''MapapaCondolence kana lang talaga.''

''Bessy bat ganyan, hahha. Di ko alam kung nakakaproud or nakakatakot yung dapat kong maramdaman''


''Sabi daw ng teacher ng kapatid ko maging creative daw sila sa kanilang portfolio.''
''The Portfolio''
''Gulat nalang kami, ayan na gawa na nya '' - caption sa mismong Facebook post ni Michiko Janairo

Source: Noypi Ako
Ibinida Ang Kakaibang Portfolio Na Ito Ng Isang Estudyante | RIP School Works Ibinida Ang Kakaibang Portfolio Na Ito Ng Isang Estudyante | RIP School Works Reviewed by pinoyako on September 29, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close