BREAKING NEWS

Artistang si Jane De Leon, Nagbigay ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-viral Kasama ang Kanyang Anak!




Kamakailan lamang nang mag-viral ang larawan ng isang Food Panda Rider na kasa-kasama ang kanyang anak sa pagtatrabaho. Makikita sa viral photo na nakasakay ang kanyang baby sa basket ng bisekletang ginagamit niya sa pagde-deliver. Dahil dito, bumuhos ang tulong na natanggap ng mag-ama, kasama sa mga nagbigay ng tulong ay ang aktres na si Jane De Leon, na gaganap ng Darna.




Labis ang pasasalamat ni Hershey A Manuel kay Jane De Leon sa kanyang facebook post nitong Oktubre 29. Aniya, si Jane pa mismo ang nagpunta sa kanilang lugar upang mahatid ang tulong na ibinigay nito para sa kanilang anak.

"Maraming maraming salamat po Darna Jane De Leon at sa buong team po nila. Hinding hindi ko po malilimutan to na pinuntahan nyo pa po kami at kayo po mismo nagchat sakin para matulungan kami kahit sobrang busy nyo po."





"Pagpalain pa po kayo lalo ng Panginoon para marami pa po kayong matulungan. Maraming maraming salamat po talaga."

Ani pa ni Hershey, "May Ninang na Darna na ang anak ko."





Maraming netizens naman ang natuwa sa ginawang kabutihan ni Jane at tinatawag pa itong Darna dahil sa pagtulong niya sa sangg0l. Deserve umano ni Jane na mapili bilang Darna dahil sa tooong buhay ay napakabuti niya.




Source: Noypi Ako
Artistang si Jane De Leon, Nagbigay ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-viral Kasama ang Kanyang Anak! Artistang si Jane De Leon, Nagbigay ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-viral Kasama ang Kanyang Anak! Reviewed by pinoyako on November 01, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close