BREAKING NEWS

16-Anyos na Anak, Ipinagmalaki ng Ina Matapos Bumaba ng Kotse Para Tulungan ang Isang Matandang Tumatawid sa kalsada!




Wala nang mas nakakaproud pa sa isang anak na may mabuting kalooban. Kaya naman, isang ina ang proud na proud sa kanyang anak na nagmalasåkit sa isang matandang tumatawid sa kalsada. Kuwento ng ina na si Reyes Belle Jona, habang nagse-selfie umano siya ay nakita niyang tumakbo ang kanyang anak papunta sa matandang naglalakad sa gitna ng kalsada.




"Kasi sinundo ko siya sa house ng lola niya po kasi lagi sila dun nag-stay while busy kami sa negosyo, and habang nagse-selfie ako inside sa car, nakita ko siya tumakbo papunta sa matanda. As a mom, sobrang na-touch and proud ako na ganun ang ginawa ng anak ko," ani niya.

"Ang sarap sa feeling na hindi man kami perpekto na parents pero proud na proud kami na lumaking mabuting anak at may takot sa Diyos lalo na sa amin parents," dagdag niya.





Siya mismo umano ang kumuha ng video sa anak niyang tumulong na makatawid ang matanda. Napakabuti umano ng kanyang anak. Sa katunayan ay responsableng kuya rin ito sa kanyang mga kapatid dahil siya mismo ang naglalaba ay nagtitimpla ng gatas sa 3-buwang gulang niyang kapatid sa tuwing natutulog ang kanyang mga magulang.

"Sobrang responsableng kuya sa kapatid niya dahil siya din naglalaba at nagtitmpla ng gatas ng three-year-old baby brother niya pag natutulog na kami. Kaya thank you Lord dahil binigyan niyo kami ng napakabait na anak," pahayag niya.



Source: Noypi Ako
16-Anyos na Anak, Ipinagmalaki ng Ina Matapos Bumaba ng Kotse Para Tulungan ang Isang Matandang Tumatawid sa kalsada! 16-Anyos na Anak, Ipinagmalaki ng Ina Matapos Bumaba ng Kotse Para Tulungan ang Isang Matandang Tumatawid sa kalsada! Reviewed by pinoyako on August 25, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close