BREAKING NEWS

Watch | Ivana Alawi, Namahagi ng Biyaya sa 1,300 Katao Bilang Pagdiriwang sa Kanyang Ika-13 Million Subscribers!



Kilala-kilala ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi. Bukod sa may maganda siyang panglabas na kaanyuan ay mayroon din siyang busikal na pus0. Kaya naman marami ang lubos na humahanga sa kanya at sa kanyang pamilya. Kamakailan lamang ay umabot na ng 13 million subscribers ang kanyang Youtube Channel. Upang i-celebrate ang kanyang 13 million subscribers ay namahagi siya ng tulong sa 1,300 katao.


Katuwang ang pamilya at ilang staffs ni Ivana ay nag-repack sila sa eco bag na may lamang bigas, de-lata, facemasks, vitamins at iba pa. Naisip ng vlogger na lubos ang biyaya na kanyang natatanggap kaya naman namahagi din siya sa iba.

Bukod sa goods ay nagbigay di siya ng tag-1,000 piso sa 1,300 katao na mabibigyan ng goods. Nagluto din ang vlogger at ang kanyang ina ng adobo. Pag0d man ay sobrang saya ng kanilang mga pus0 lalo na nang makita nila ang ngiti sa mga labi ng mga nabigyan nila ng tulong.



Ang makatulong sa iba ay talagang napaka-sarap sa pakiramdam. Kahit pa malayo na ang narating ni Ivana at pamilya Alawi ay hindi pa din sila nakakalimot na tumulong sa mga mas nangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng pamilya Alawi sa walang sawang pagsuporta sa kanilang pamilya lalo na kay Ivana. Kung hindi umano dahil sa walang sawang suporta ng mga tao sa kanila ay baka hindi din sila makapagbigay ng biyaya sa iba.


Sa ngayon ay umabot na ng 2.4M views ang naturang video na may pamagat na 13 Million Subscribers *Share the Love*, panoorin ang kabuuang video:


Source: Noypi Ako
Watch | Ivana Alawi, Namahagi ng Biyaya sa 1,300 Katao Bilang Pagdiriwang sa Kanyang Ika-13 Million Subscribers! Watch | Ivana Alawi, Namahagi ng Biyaya sa 1,300 Katao Bilang Pagdiriwang sa Kanyang Ika-13 Million Subscribers! Reviewed by pinoyako on June 08, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close