BREAKING NEWS

Video ng Ice Cream Vendor na Naglalako sa Dagat, Viral sa Social Media!



Napakarami na bilang ng mga taong gumagamit ng Tiktok na isang mobile application kung saan maaaring mag-record ng video at may mga kakaibang effects. Mapapanood din sa Tiktok ang mga videos ng mga sumasayaw, kumakanta at iba pang mga talento. Ang naturang app ay isang entertainment hindi lamang sa mga bata, pati na rin sa mga matatanda.


Kahit sino ay maaaring gumamit ng application na ito. Marami na din ang mga videos na nag-viral mula sa Tiktok. Kabilang na dito ang video ng isang lalaki na naglalako ng ice cream sa gitna ng dagat.

Hindi nakasakay sa bangka ang ice cream vendor na ito kundi lumalangoy siya sa tubig habang hawak ang lalagyan ng kanyang mga panindang ice cream. Nilalangoy niya ang dagat hanggang sa makarating sa mga torista na nakasakay sa bangka.



Kinilala ang nag-upload ng naturang video na si Jessica Garcia. Mapapanood sa video na may mga torista na nakatingin sa ice cream vendor habang lumalangoy ito sa dagat bitbit ang kanyang panindang ice cream.

Umani naman ng iba't ibang reaction ang naturang video na inupload ni Jessica sa kanyang Tiktok account.

Kasunod ng viral video ay ipinaliwanag ni Jessica na kanyang inupload, "Malayo pa lang si tatay samin, sumesenyas na kami na hindi na kami bibili.


"Then sabi nung nagmamaneho ng balsa na ganun daw talaga kaya bumili na lang kami kasi grabe yung nilangoy ni tatay."

Narito ang naturang video:


Source: Noypi Ako
Video ng Ice Cream Vendor na Naglalako sa Dagat, Viral sa Social Media! Video ng Ice Cream Vendor na Naglalako sa Dagat, Viral sa Social Media! Reviewed by pinoyako on June 07, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close