BREAKING NEWS

Isang Ina, Nanganak sa Gilid ng Kalsada Matapos na Hindi Tanggapin sa Ospital Dahil Walang Swab Test!


Dahil sa kinahaharap nating pand3mya ngayon ay marami na ang nabago sa mga alituntunin. Upang maisaalang-alang ang kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino ay gumawa ang ating pamahalaan ng mga alituntunin na kailangan sundin.

Sa ospital ay may sinusunod din na mga kautusan katulad ng pagkuha ng swab test sa mga pasyente na-icoconfine at mga bantay.


Nag-viral sa social media ang ilang larawan ng isang ina na nanganak sa gilid ng kalsada matapos na hindi tanggapin sa ospital dahil kinakailangan umanong unahin ang swab test.

Umani ng samu't-saring reaksyon ang naturang post na ibinahagi ni Go Rich noong Mayo 30. Marami ang bumatikos sa hindi nabanggit na ospital. Ayon sa post, hindi umano pinapasok ang ina na manganganak na dahil kinakailangang unahin ang swab test. Nakiusap sila na kung maaari ay magpapa-swab test sila kapag tapos manganak dahil hindi na talaga kaya ng ina.



Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"mga walang pus0 pagbabayaran nyo dn sa ibang paraan ang pagiging malupit nyo sa kapwa ninyo"

"Kahit ano pa yNg patakaran. Emergency parin yan buhay nang tao nKasalalay jan.!!"

"Grave nman yan hnd nalng pinagbigyan kaya msarap pa manganak sa lying in clinic kasi kahit hnd ka dun nag papa check up tatangapin ka basta my papel ka dala para nman wlang pus0 ang mga tao jan naintindihan nman ntin kaylangan ng swub test kung lalabas na ang bata hnd mo mapipigilan yan.."


Narito ang naturang post:

"kawawa naman hindi sila pinapasok dahil kailangan unahin daw ang swab test nakiusap sila kong pwede mamaya na kapag nanganak na kasi hindi na nya talaga kaya kaso hindi pumayag yung nurs."


Source: Noypi Ako
Isang Ina, Nanganak sa Gilid ng Kalsada Matapos na Hindi Tanggapin sa Ospital Dahil Walang Swab Test! Isang Ina, Nanganak sa Gilid ng Kalsada Matapos na Hindi Tanggapin sa Ospital Dahil Walang Swab Test! Reviewed by pinoyako on June 02, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close