Wilbert Tolentino tinakbuhan ng vlogger, Zeinab Harake damay?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang tila patama ng negosyante at social media personality na si Wilbert Tolentino tungkol sa isang vlogger.
Nitong Huwebes, May 7, nag-post siya sa kanyang Facebook account tungkol sa isang vlogger na na-frustrate sa mga nagnanakaw ng content at pino-post sa sariling page para pagkaperahan.
“May nabasa ako isang vlogger nafufustrate cya dahil nakuha ang content nya,” panimula ni Wilbert.
Pagpapatuloy niya, “Eh ako nga din nafufustrate din, kasi humingi cya ng raket for posting at kinontratahan nya ako ng 2M pero walang deliverables kht fully paid ako at may resibo.”
Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino may hugot sa taong ungrateful: Nakakadala tumulong sa tao
Ani Wilbert, wala rin daw pagkakaiba ang naturang vlogger sa mga nagnanakaw ng content.
“Wala din naman pagkakaiba yung nag nakaw ng content nya at yung naka onse sa akin ng 2M na wala lang sa kanya until now.
“Tapos sabay goodluck babush japan,” chika pa ni Wilbert.
Nag-iwan rin siya ng mensahe para sa naturang vlogger na umano’y tinakasan siya.
“Kung ayaw mo gawin sayo ng kapwa, huwag mo din gawin sa iba. Lalo na involve sa PERA,” giit pa ni Wilbert.
Samantala, marami sa mga netizens ang nag-iisip na mukhang ang pasaring ng negosyante ay para sa kapwa social media personality na si Zeinab Harake.
Bago kasi ang post ni Wilbert ay nagpahayag si Zeinab ng kanyang frustration sa mga “fake fans” na nagnanakaw at kumuha ng video niya para pagkakitaan sa kanilang social media pages.
“Nakakafrustrate yung mga Facebook page na kunwari fan page pero nag-uupload ng sliced clips ng videos, tapos hindi man lang pinopromote yung original link ng vlog sa YouTube. Yung iba, bina-block pa yung page namin para hindi namin sila ma-report. Ginagawa niyo ba talaga ‘to para monetize ang accounts niyo?
Ang unfair. Ang laki ng ginagastos at effort namin para makapag-produce ng content, tapos kukunin nyo lang. Siyempre, apektado ang views sa YouTube, habang sa inyo napupunta yung mataas na views kahit hindi naman sa inyo galing ang content. Nakakalungkot at nakakadismaya [emojis] Tigilan niyo na ang pamimirata ng mga videos wag nyo naman po sayangin hirap at pagod namin,” sey ni Zeinab sa isang Facebook post.
Samantala, hindi naman pinangalanan ni Wilbert ang vlogger na tinutukoy sa naturang post.
The post Wilbert Tolentino tinakbuhan ng vlogger, Zeinab Harake damay? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 11, 2026
Rating:

No comments: